Chapter 34
Hindi ko na kailangan pang paulit-ulit na sabihin kay Russell na layuan ako dahil tuluyan na nga syang lumayo sa akin. Pagkatapos kasi ng gabing 'yun ay wala na akong balita sa kanya. Hindi na nya ako ginulo at mukhang tinupad nya ang gusto ko layuan nya ako. Dalawang linggo narin ang nakalipas. Or I must say, dalawang linggo palang pero pakiramdam ko ang tagal tagal na.
Finals na ngayon at hindi na ako makapagconcentrate. Dapat nga ngayon ako nagsisipag pero wala naman ako sa mood mag-aral. Bahala na. Kung babagsak ako ngayon sem ay uulitin ko nalang ulit. Malala ang nangyayari sa akin ngayon dahil maski stock knowledge wala ako.
Nang mag-bell na ay lumabas na rin ako ng klase. Mayroon akong isang oras na break pagkatapos ay mageexam ako ng isang subject pa and I'm done. Ngayon ang huling araw nang exams at mayroon kaming halos tatlong linggong bakasyon pagkatapos nito.
Nang magvibrate ang cellphone ko ay kaagad ko 'yun nilabas saking bulsa.
Alec:
Have you eaten? If not, let's eat.
Ngumiti ako at nireplayan sya. Pumayag ako sa pagyaya nya saking kumain. Sinabi kong sa garden nalang kami kumain at sa cafeteria nalang bumili ng makakain since hindi ako pwedeng lumabas at magtagal dahil may isa pa akong subject na kailangang i-take. Pumayag naman sya kaya ganun nga ang ginawa namin.
"What do you want?" tanung nya.
Ngumuso ako at tiningala 'yun mga menu dito sa cafeteria.
"Sandwich is fine. Then, lemon juice." Sabi ko.
Tinagilid nya ang ulo nya at humarap doon sa cashier.
"Dalawang combo one. Tapos papalit nalang ng diet coke 'yung drinks." Aniya.
Tinignan ko sya.
"Hey, hindi 'yun 'yung-"
"Hindi ka mabubusog sa isang pirasong sandwich lang Cory."Aniya.
Hindi na ako sumagot at nakipagtalo. Wala din naman ako sa mood. The reason why na pumayag akong kumain kasama ni Alec ngayon ay dahil baka magisip sya ng kung ano. Ayaw kong isipin nya na talagang iniiwasan ko sya. This past few days, gulong-gulo lang talaga ang isip ko at ayaw ko lang na makisalamuha sa kahit na sino. But since I'm starting to move-on, at gusto kong bumalik ang lahat sa normal ay pipilitin kong bumalik sa dati kong habit.. eating lunch with Alec is no big deal.. I guess.
Pumunta kami sa garden. Doon sa ilalim nang puno at may mga Bermuda grass para doon kumain. Masarap ding kasing tumambay dito kasi sariwa ang hangin at presko, hindi tulad doon sa cafeteria na mapuporga ka sa aircon.
"Eat, Cory." Utos sa akin ni Alec at binigay sakin ang pagkain ko.
"Thanks." Sabi ko at tinanggap 'yun.
Hirap akong lumunok. Si Russell ang naaalala ko sa mga ganitong pagkakataon. He won't let me eat this crap. Ipagluluto nya talaga ako hangga't maaari. He won't let me skip my meals. D-damn.
"Akala ko, iiwasan mo na talaga ako."
Nilingon ko sya.
"H-huh?"
"I'm glad na pumayag kang kumain kasabay ko ngayon."
"So-sorry, Alec. Medyo magulo lang kasi ang isip ko ngayon."
"I understand." Aniya at nagsimulang kumain.
Yumuko ako at kumain nalang din. I am afraid. Sana hindi nalang i-open up ni Alec sa akin ang nararamdaman nya. Sana, ibaon nalang namin sa limot ang lahat. Sana nagkamali lang sya nung sinabi nyang gusto nya ako. Sana, hindi nalang 'yun ang totoo. Sana hindi nya nalang ako tanungin dahil ayaw kong masaktan sya. Ayoko.
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...