Chapter 48
Nung araw ding 'yun ay lumabas kami ni Alec ng ospital. Hindi ko na nakita si Angel o si Russell. Basta, itinuro lang sa akin ni Alec kung saan ang kwarto ni Angel. Hindi na ako nagtangkang pumasok kahit na gusto ko. I wanted to apologize pero pinili kong wag nalang muna ngayon. Alam kong sobra pa ang galit nya sa akin at bad timing kong ngayon ako magpapakita. Nasa sasakyan na kaming dalawa ni Alec ng magring ang cellphone ko. Tinignan ko 'yun at nakitang si Az ang tumatawag.
"Hello?"
"Oh my God, Cory are you okay?" Naramdaman ko sa boses nya ang pagkataranta.
"I am." Mahinang sabi ko at binalingan si Alec nang ituro nya sa akin 'yung seat belt. Tumungo-tungo ako sa kanya.
"I heard from Alec. Damn, I was about to go to the hospital pero sinabi nya sa akin pauwi na daw kayo. Is it true?" tanung nya.
Ngumiti ako.
"Oo. Pauwi na kami. Don't worry Az."
"Don't worry? Really? Are you really saying that to me? Tingin mo hindi ako magaalala? Akala ko namatay ka na-"
"Grabe ka naman, Az." Nagkamot ako ng ulo dahil sa pagiging OA nya.
"Ikaw ang grabe! Fetus ka palang marunong ka ng lumangoy ah, anung nangyari at hinayaan mo ang sarili mong malunod?"
"I.. I was drunk.. so.." Lumunok ako.
"You better go home fast. You need to explain everything to me." Aniya at ibinaba ang tawag.
Ngumuso ako at binalingan ng tingin ang aking cellphone. She's always been a nagger.
"She hungs up." Sabi ko.
"She's mad?"
"Yeah." Sabi ko at bumaling sa daanan.
"Are you okay?" tanung nya
Umiling ako.
"I'm not."
"Then, what are you going to do now?"
Lumunok ako at nagisip. Honestly? I don't know.
"Anu nga ba?"
"Want to go back to States?" tanung nya.
Umiling ako.
"No. Not now. There's still two months left before this semester ends."
"What are your plans?" Aniya at inihinto ang sasakyan ng pumula ang traffic lights.
"I'll continue.. to study here until I graduated. Pagkatapos noon, bahala na kung uuwi ako ng States o mags-stay parin dito."
"How about Angel?"
"I'll apologize if I get a chance."
"And Russell?" tanung nya.
Natigilan ako at lumunok ng masakit.
"I.. I don't know." Mahinang sabi ko.
"Sinundan mo sya kagabi. What happen?" tanung nya.
Suminghap ako at napatingin sa kanya. Nang maalala ko ang lahat ng nangyari kagabi ay naginit muli ang mga mata ko. Nagiwas ako ng tingin.
"He simply said that he don't love me anymore and I should stop bothering him and Angel." Mabilis kong sabi.
"That's all?"
"That's all." Pinagdiin kong mabuti ang labi ko para hindi na madugtungan pa ang sinabi ko. I don't want Alec to know na may nangyari sa amin ni Russell kagabi.
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...