Chapter 49

3.6K 121 38
                                    


Chapter 49

Hindi madaling kalimutan ang lahat. Minsan nga, napapanaginipan ko pa si Russell at si Angel. Madalas, mas sumasagi sa isip ko 'yung mga pinagsamahan naming dalawa. Kapag naaalala ko nga ang lahat, parang gusto kong batukan at saktan ang sarili ko dahil sa sobrang katangahan ko pero naisip ko na mabuti nga narin siguro 'yun atleast, matuto ako.

Mabilis kaming natapos ni Alec sa pag-enroll. Umalis kami kaagad ng University dahil narereklamo syang masakit parin ang balat nya. Puro sunburn kasi sya dahil sa pagbe-beach namin doon sa States. Umuwi ako ng bahay namin ni Az at wala sya doon kaya minabuti ko nalang matulog buong araw. Ganito palagi ang naging buhay ko lalo na nitong mga nakaraang araw at buwan. Palagi lang akong nagkukulong sa bahay at halos hindi na lumalabas.

Nung nag-gabi na, dumating sya pagkatapos ay nagbihis lang. Balak na naman atang umalis.

"San ka?" tanung ko sa kanya nang makitang nagma-make up sya.

"Aalis ako. Sama ka?"

"Where?"

"Bar."

"Ah. Ayoko."

Sumimangot sya.

"Ang KJ mo ah, kala ko pa naman bumalik kana sa dati." Aniya.

"May pasok na tayo sa makalawa tapos magba-bar ka pa?"

"'Yun nga ang point ko doon. May pasok na tayo sa makalawa at syempre, serious mode na tayo dahil 4th year na tayo nun! So, kailangan magsaya na tayo ng bongga!" Aniya.

Ngumuso ako.

"Halika ka na. Para di ka naman palaging kulong dito sa bahay. Magsaya ka naman! Pagpapapilit pa kasi, eh!" Aniya at umirap sa akin.

"Ayoko nga."

"Gusto ko tawagan ko si Alec? He can accompany you-"

"Wag! Gabing-gabi na. Ayokong istorbohin 'yun tayo." Sabi ko.

"Sus. Alam mo namang malakas ka doon. Oh sige na, hindi ko na sya tatawagan. Basta sumama ka na, the others will be there too. Let's have fun tonight!" Gumiling-giling pa sya sa harapan ko.

Natawa ako at nagisip. Siguro tama nga sya. Wala naman sigurong masama hindi ba? Ito rin naman ang ginagawa ko dati. Isa pa, matagal na naman akong tumigil. Wala namang sigurong masama kong susubok ako ulit ngayon. Kaya kinalaunan ay napapayag na din nya akong sumama sa kanya. Sumakay kaming dalawa ng taxi papunta doon sa bar.

"Oh? Bakit ibang way to?" tanung ko.

Ngumisi sya.

"Hindi na tayo sa Incognito ngayon. Madaming bad memories doon." Kumindat sya.

"Anung ibig mong sabihing bad memories."

"'Yung sa inyo ni Russell tsaka 'yung sa amin ni Kenneth Brian. Kaya wag na dun." Pinitik nya ang buhok nya.

Ngumuso ako at sinandal nalang ang sarili ko sa upuan. Bahala nga sya. Maya-maya pa ay nakarating nadin kami dito sa bar na hindi pamilyar sa akin. Kumunot ang noo ko habang tinitingala ang pangalan nitong nakasabit sa itaas.

"French kiss?" Sabi ko.

"Yup. And I heard super ganda daw sa bar na ito. Bago lang kaya 'to!" Aniya.

"Where are the others?"

"Hm. Siguro nasa loob na. Let's go!" Aniya.

Tumungo ako at pumasok na din sa loob.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon