Chapter 57
Nanghina ako at halos hindi makaalis sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala. Walang bata? Hindi buntis si Angel? Bakit sya nagsinungaling? Bakit?
"A-alec, sigurado ka? Hindi ba-"
"She lied. Nagsinungaling sya para hindi sya iwanan ni Russell."
Umiling ako.
"Hindi ako makapaniwala."
"Nakita mo kung anung nagagawa sa atin ng pagmamahal?" Umiling sya.
Natahimik ako at halos hindi madigest ang mga nangyayari. Bumaba si Alec ng sasakyan at inilahad ang kamay nya sa akin.
"Let's go?" tanung ni Alec sa akin at kinuha ang kamay ko.
"Sigurado kang dapat kong syang makita?" tanung ko.
"You need to see her. Alam kong may mga gusto kang malaman. This is your chance." Aniya. Tinignan ko si Alec. Tumungo-tungo sya sa akin. Ngumiti ako at tinanggap ang kamay nya.
Sumunod ako sa kanya kahit na hinang-hina ako. Wala akong imik ng makapasok kami sa loob ng hospital at kahit sa loob ng elevator ay wala parin akong imik. Ang daming tanung sa isip ko. Sobrang dami. Ang dami kong gustong malaman. Gusto kong malaman kung bakit nagawa 'yun ni Angel. Ibig sabihin pala, lahat ng pagsasakripisyo ko nauwi lang sa wala? Lahat 'yun?
"Where here." Ani ni Alec sa akin ng marating namin ang kwarto kung nasaan si Angel.
"Is Russell here?" tanung ko
Umiling si Alec.
"No. Nung nalaman nyang hindi talaga buntis si Angel ay umalis sya kaagad. He was so mad. Hindi na sya bumalik pa simula nung araw na 'yun." Aniya.
Yumuko lang ako.
Pinihit ni Alec ang pintuan ng kanyang kwarto. Nang makapasok kami doon ay nakita ko kaagad si Angel na nakahiga sa kama habang umiiyak. Walang tao sa loob at sya lang magisa. Pinasadahan ko ng tingin sya ng tingin at napansin ang mga sugat sa kanyang pulso.
"Nasa labas daw sila Jacob. Puntahan ko lang." Ani ni Alec sa akin. Tumungo-tungo ako sa kanya at pinagmasdan syang lumabas ng pintuan.
"Anung ginagawa mo dito?" tanung ni Angel sa akin.
"Ikaw? Anung ginagawa mo?" tanung ko pabalik.
"Umalis ka na-"
"Bakit ka nagsinungaling?" tanung ko.
Hindi sya sumagot.
"You're not pregnant, Angel."
Narinig ko ang hikbi ng iyak nya.
"Bakit mo kami niloko?"
"I know!" sigaw nya. "I know that I am not pregnant and I wish I am! I wish.. I am!" humagulgol sya ng iyak.
"Anung naisip mo at nagtangka kang magpakamatay?"
"I did this many times I wonder kung bakit hindi pa ako natutuluyan. Damn!" Aniya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko.
"Kung gusto mong magkamatay tumalon ka nalang sa building o magpasagasa ka nalang sa tren at kung magpapakamatay ka siguraduhin mong matutuluyan ka, Angel. How many times you're going to put yourself in shame-"
"Damn it! Wala kang pagkealam!" sigaw nya sa akin. "What now? Bakit hindi mo pa ako pagtawanan? Ito naman ang gusto mong makita hindi ba? Gusto mong makitang lugmok na lugmok ako?" Aniya.

BINABASA MO ANG
Wicked
RomantizmCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...