Chapter 66

4.1K 95 3
                                    


Chapter 66

Kabado ako habang tahimik na binubuksan ang gate nang bahay ni Az. Panay ang dasal ko kanina na sana wala pang tao o hindi pa nakakauwi si Alec sa ganun, pwede kong sabihin na nagkaroon ng problema sa business kaya kinailangan ko nang umuwi. Madali lang magdahilan kung mauunahan ko sya dito pero ibang usapan na kapag mas nauna sya sa akin dito. Bumuntong-hininga ako at tahimik na sinara ang gate. Daig ko pa ang teenager na inumaga ng uwi dahil dito.

Dahan-dahan akong pumunta sa pintuan ng bahay. Nang pihitin ko ang pinto ay kaagad akong kinabahan ng marealized na bukas ito. Nang itulak ko ang pintuan ay halos mapasigaw ako sa gulat nang makita ng nakaabang sa pintuan si Alec.

"Uhm-" laglag ang panga ko habang nakatitig sa nakakunot nyang kilay.

"San ka galing?" tanung nya.

"Ah. A-anu.." Nagkamot ako ng ulo.

"Everyone in chaos nung bigla kang nawala sa party. Where did you go?"

"What? Talaga? S-sorry." Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Hindi sumagot si Alec at pinasadahan lang ako ng tingin. Nagakyat-baba ang tingin nya sa akin. Nagiwas ako ng tingin.

"Where did you change your clothes?"

"I..i bought it." Lumunok ako

"You left your things in the reception, even your phone. Where did you go? You don't even have a car." Aniya.

Bumaling ako sa sofa at nakita ko ang gamit kong nakasalampak doon. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang inaalala ang nangyari kahapon. Para kaming mga batang tumakas sa klase ni Russell. But, I don't regret a thing.

"I-I'm sorry, Alec." Humina ang boses ko.

"Sabay kayong nawala ni Russell sa party." Aniya.

Yumuko ako.

"Tinanung ko sila Daday kung nasaan ka. Sinabi nilang lumabas ka lang daw para magpahangin pero hindi kana bumalik. I asked Jacob and Eman and they said Russell is nowhere too. Where did you two go?" Medyo tumaas ang kanyang boses.

Pumikit ako at bumuntong-hininga. Alec is smart. I know, from the moment he realized that Russell and I are lost alam na nya.

"Sorry."

"Magkasama kayo?"

Tumungo-tungo ako. Ilang segundo pa ay hindi sya nagsalita. Nagangat ako ng tingin sa kanya at nakitang nakakunot ang noo nya habang titig na titig sa akin.

"Alec, sorry." Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Did you two made up?" tanung nya.

"Y-yes. Sorry. Alec." Mahinang sagot ko.

"I..i see." Mabagal na sabi nya at tinalikuran ako.

Kinabahan ako kasi alam kong galit sya. Dumiretsyo sya sa kusina kaya sinundan ko sya papunta doon.

"Alec, I'm sorry." sabi ko habang sinusundan sya.

"Yeah."

"Alec please."

"J-just.. just go upstairs Cory. Magpahinga kana." Aniya at tinalikuran ako.

"Galit ka ba?"

"No. Why would I?"

"Alam kong galit ka. I'm sorry, Alec."

"Alam kong si Russell talaga ang mahal mo noon pa. There's no need for you to apologize. I understand."

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon