Chapter 56
Mahirap pero kailangan. Masakit pero ginawa ko parin. Hanggang sa makakaya ko ay umiwas ako. I can't totally disappear dahil nagaaral parin ako sa Universidad na ito at magkaklasi parin kami ni Angel sa unang subject pero ginagawa ko ang lahat para talagang iwasan sila. Pagkatapos na pagkatapos ng unang subject ay lumalabas na kaagad ako ng classroom. Hindi na rin ako tumatambay sa University, pagkatapos ng klase ko sa isang araw ay diretsyo na rin akong umuuwi. Sinubsob ko ang sarili ko sa pagaaral dahil sa kagustuhan kong makapagtapos na ngayong sem. Kaya nga pati si Az ay nagtataka na sa akin.
"Nagaaral ka na naman? OA ha." Aniya ng puntahan ako sa kwarto.
"Deadline na nito in three days." Sabi ko ng hindi sya tinitignan.
"Oh, three days pa pala eh. Dati nga kahit na ngayong araw ang deadline ng paper works mo di mo parin ginawa." Aniya.
"I've changed." Simpleng sabi ko.
"Maganda pala ang nagagawa ng pagiging heart broken no?" Natawa sya.
Masama ko syang tinignan at binato ng unan.
"Tigilan mo nga ako, Az. Dapat nga matuwa ka at nagseseryoso ako. Noon, halos bugbugin mo na ako magseryoso lang ako sa pagaaral. Ngayong nagseseryoso na ako ang dami mo pang sinasabi." Mabilis kong sabi.
"I'm just not used to it." Aniya at dumapa doon sa kama. "Nga pala, Brian Kenneth and I made up." Dugtong nya.
"Oh. Great." Ngumiti ako.
"It was all misunderstanding. Sino ba naman kasing magiisip na maiinlove talaga sya sa akin eh, inagaw ko lang naman sya sa girlfriend nya." Aniya.
"He probably fell in love with you in the process." Sabi ko.
"Masaya na ako dito kaya di muna ako uuwi ng States."
"I see. So, ako lang ang uuwi next month?" tanung ko.
Tumahimik sya.
"Gusto mo ba talagang umuwi?"
"Oo naman! Kaya nga nagsisikap akong makatapos para mauwi na."
Nakita ko ang pagkibit-balikat sya.
"I see. Sabagay, Effective ang paglayo para sa mga taong nagmo move-on." Aniya.
Binalingan ko sya ng tingin.
"Sinong nagmo-move on?" Tumaas ang kilay ko.
"Ikaw! Alangan namang ako? Ang kulay kaya ng lovelife ko!" Natawa sya.
Umirap ako at nakipagtawanan sa kanya.
Umalis sya sa kwarto at naiwan akong magisa doon. Binitawan ko ang ballpen ko at tumitig sa kawalan. Hindi ko mawaglit sa isipan ko ang lahat. Pagkauwi ko ng States, siguradong hindi ako makakabalik dito kaagad. Siguro taon ang bibilangin ko bago mangyari 'yun. Sa loob ng mga panahong 'yun anu kayang mangyayari? Anu na kayang mangyayari sa kanila? Magpapakasal kaya sila ni Angel? Malamang Oo. Manganganak si Angel, Titira sila sa iisang bahay, magpapakasal, matututunan nyang mahalin si Angel, mabubuhay silang masaya. At ako? Anu kayang mangyayari sa akin? Sa mga panahong 'yun, anu kayang magiging buhay ko?
Tumungo ako sa aking table at pinikit ang aking mga mata. Will I be more miserable than I am right now? Well, maybe.
Sa pagdaan ng mga araw ay puro pagaaral lang ang ginawa ko. Maski ako nga rin ay nagulat sa sarili ko. Akalain mo yun, kaya ko naman palang ipasa ang mga subject ko kung gugustuhin ko.
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...