Last ten (10).
-
Chapter 60
"Az, are you kidding me?" tanung ko sa pinsan kong ligayang-ligaya sa sinabi nya.
"Of course not! Mukha bang nagbibiro 'tong million dollars kong singsing?" Aniya
"You know that I can't go to the Philippines. Because of w-"
"Because of work? Oh come on. Ako nang bahala. I am very sure that Tito will understand kapag sinabi ko sa kanya na-"
"Hindi. Az, you don't understand." Ani ko.
Tumigil si Az at tumitig sa akin.
"I can't go there. Baka naman pwedeng dito nalang ako umaattend pag punta nyo dito ni Brian Kenneth next month."
"Walang engagement party na gaganapin pag-uwi namin dito. Mamamanhikan sya sa pamilya ko. There's no engagement party with friends." Aniya.
"It's okay. I'll help s-"
"So you're telling me that you're turning down my invitation? Cory, alam mo namang ikaw ang bestfriend slash pinaka close cousin ko. I need you there." Aniya.
Nagkamot ako ng batok.
"Bakit kasi sa Pilipinas pa?"
"What do you want me to do? Paliparin ang mga kaibigan natin mula Pilipinas hanggang dito sa America? Sure thing, basta ikaw ang sasagot ng ticket nila." Tumaas ang kilay nya.
"Az.."
"So, it's all because of Russell parin ganun?"
"No."
"I know Cory. Russell is the reason why kaya ayaw mong umuwi. You can't hide here forever. Hindi mo naman bansa ang America. Isa pa, hindi naman sya ang pupuntahan mo doon eh!"
Umiling ako. "It's not about Russell."
"Okay fine." Bumusangot sya.
Pumikit ako at kinagat ang ibaba kong labi.
"I'm sorry, Az." Bulong ko at binalingan ng tingin si Alec.
Talagang nagtampo si Az dahil kahit nung pauwi na kami ay hindi nya ako pinapansin. Nung nasa bahay naman kami ay kaagad nalang syang dumiretsyo sa kwarto para matulog. Nagiinarte sya. I know it. Kilala ko na si Az fetus palang sya. Pero nakokonsensya parin ako. I know, she's right. Palagi ko nalang ginagawang excuse ang trabaho pero ang totoo ay ayaw ko lang talagang umuwi doon. Maybe I was just scared. Takot lang ako na baka paglapag na paglapag ko sa Pilipinas, yumakap ulit sa akin ang sakit na nangyari sa akin doon.
In the end. I lost. Hindi ko rin natiis si Az kaya kinabukasan nang magising sya at sinabi ko na rin sa kanya na pumapayag na ako at uuwi na ako ng Pilipinas para sa engagement party nya. Nagtatalon sya sa saya at niyakap pa ako.
"Oh my G! Cous! I wish I could elaborate everything. Pero ung proposal nya? It was so magical. I swear! Para akong nasa loob ng sarili kong fairy tale. Guess what? I really wasn't expecting that! Kahit madalas akong magparinig sa kanya kung anung size ng ring finger ko-"
I smirked.
"Crazy."
"What? Well, whatever. 'Yun nga. Then, when he kneel infront of me, alam ko na diba? Alam ko na 'yun na 'yun. 'Yun na talaga 'yun eh! Naiyak na talaga ako! And when I said yes? He cried! Oh my God cous, he cried! Akalain mo 'yun? Iba pala talaga ang tama kapag lalaki ang umiyak sa harapan mo no? Para kang matutunaw sa kinatatayuan mo. Para bang kusang naglalaglagan ang mga turnilyo sa utak mo. I can still recall the day he plead me to stay. He was crying hard in front of me. Para akong sinasaksak sa puso. He's crying face was just so painful. Too painful to the point na parang unte-unte rin akong nawawasak sa pagiyak nya." Aniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/26701234-288-k121810.jpg)
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...