Chapter 10

3.8K 108 7
                                    

Chapter 10

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang kanyang text. Agad akong bumaling sa paligid at nakita nga sya doon. Nasa kabilang dako nang bar. Umiinom at diretsyo din ang titig sa akin. Kinabahan ako sa matalim nyang tingin. What? Did I do something wrong?

Ako:

What are you doing here? Dito ka na naman nambababe?

Binalingan ko sya nang tingin nang maisend ko sa kanya ang text message ko. Nakita ko ang pagbaling nya sa kanyang cellphone. Kunot-noo nyang binasa 'yun. Nang makita kong pumipindot sya at matapos nun ay agad akong bumaling sa cellphone ko.

Russell:

May pakialam ka na pala ngayon sa pambabae ko?

Sumimangot ako. Hell! Sinong may sabing may pakialam ko. Hindi ko na sya pinansin. Di ko na din sya nireplayan. Dumating ang mga kaibigan namin galing sa dance floor na may hakot-hakot nang mga lalaki. I don't care, magpapakasaya ako ngayon gabi.

"Hi." Binalingan ko ang lalaking tumabi sa akin. Matangkad sya at cute ang kanyang dimples. Ngumiti din ako. "Hi." Tipid kong sabi bago diretsyong ininom ang tequila na nasa harapan ko. Sumimsim ako nang lemon pagkatapos.

"Uy, si Edgar yan! Mabait yan!" si Celestine ang nagsabi sa akin.

Tumungo-tungo lang ako at binalingan ang lalaking nasa tabi nya. Tan ito at Malaki ang katawan. He's name is Philip.

Nang balingan ko ang pinsan kong si Az ay nakitang nakikipagusap nadin sya sa Half-American na Geof daw ang pangalan. Hinayaan ko na. Basta, hindi sya aalis sa tabi ko.

Mabait naman si Edgar. Masaya sya kausap at madaldal din sya. He keeps asking about my life, my interest tungkol sa pamilya ko at iba pa. Sa kalaban na school sya nagaaral at Engineering din ang kanyang course katulad nang kay Az. Natatawa ako sa klase nang pagsasalita nya. Magaan lang kasi sya kausap kahit na dito lang kami nagkakilala sa bar.

"You're so pretty. Wala pang arte. I like girls like you." Bulong nya sa tenga ko. Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din sya at hinawakan ang aking kamay.

"Ang malas naman nang lalaking tinutukoy mo sa akin." Aniya.

We talked about Alec. Sinabi ko sa kanya ang one sided love na nararamdaman ko. He listened to me. Kahit na mahaba ang kwento ko. Naisip ko, okay din pala na magkwento sa isang taong kakakilala mo lang. Atleast, makikinig sila sayo at di ka huhusgahan.

"Yeah. Sana marealized nya." Sabi ko.

"Bakit kasi di ka nalang maghanap nang iba? I am so sure, maraming lalaking nagkakandarapa sayo."

"Si Alec talaga ang mahal ko."

"Try to open your heart to somebody else. Malay mo diba? Bakit hindi ka doon sa taong mahal ka? I am so sure, matututunan mo ding mahalin ang taong 'yun."

Napatigil ako. Sandaling pumasok sa ala-ala ko ang nakangising itsura ni Russell. Kumunot ang noo ko at umiling-iling.

"Nah. I believe in romance, gusto ko, mahal ko muna 'yun tao. Hindi ako naniniwala na napagaaralan ang pagmamahal, Edgar." Sabi ko.

Binalingan ko sya. Sinalubong kaagad ako nang mata nyang matatalim. Lumunok ako. Edgar is so damn good looking too. Madami din palang may magandang mukha sa school na 'yun.

"Really? Want to try, then? Baka patunayan ko sayong mali ka." Natawa sya. Umiling ako at natawa din nang madinig ko ang tili ni Janet.

"Russell!" Aniya. Napalingon ako kaagad. Nanlaki ang mata ko nang makita nga si Russell na nakatayo saking likuran.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon