Chapter 24
"Cous, are you okey?" tanung nang pinsan kong si Azariah habang ngumunguya sa gilid ko. Nakaupo kami ngayon sa bleachers at nagaantay ng pagpasok ng mga players para sa basketball game.
"I am." Tipid kong sabi.
"Seems not." Nagkibit-balikat sya at inilabas ang kanyang Iphone. Kinuha sya ng ilang litrato at nagselfie din kami. "Oh my. This is so cute. Gotta update my IG now." Aniya.
Umiling-iling ako at bumaling na doon sa court. Lumabas na 'yung referee at mula sa magkabilang dulo ay nagsipasukan na din ang mga players. Natanaw ko kaagad si Alec na seryoso ang mukha habang naglalakad papasok. Matinding sigawan ang narinig ko. Nakita kong nagangat sya ng tingin at tila may hinahanap. Nang magtagpo ang mga mata namin ay nakita kong napirmi ang ngisi sya sa akin. Itinaas nya ang kanang kilay nya at ningitian ako. Ngumiti ako pabalik. Nagtilian pa ang mga babae sa gilid namin ni Azariah dahil inakala nilang sila 'yun.
"Tell me the truth. Kayo na ba?" biglang tanung ni Azariah sa gilid ko.
Nanlaki ang mata ko at kaagad syang binalingan.
"No!" sabi ko. Tumaas ang kilay nya.
"You mean, hindi pa? Magiging kayo naman diba? You're on your way." Ngumisi sya. "Kapag nagkataon. The deal is over and you and Alec can start a new beginning. Matatapos na ang deal nyo ni Russell. Aren't you happy?" Aniya.
Natigilan ang sa sinabi nya. Oo nga. Kapag nangyari 'yun, tapos na ang deal. Infact, ngayon palang tapos na ang deal. The only thing that kept me stay in his house is because our one month isn't over yet. Pero pagkatapos noon, wala na. Tapos na.
"I am! I am happy."
"Parang hindi? Matagal mo nang hinintay 'to diba? All your life, you've been chasing Alec at ngayong pinapansin ka na nya dahil hindi ka na magsayang ng oras. Don't waste your time anymore. Knowing you, madali lang naman para sayo ang makuha sya. You love him and you are obsessed with him, I can't believe na hanggang ngayon hindi pa kayo." Aniya
"H-hindi pa kami kasi, kasi, we are taking our time!" Sagot ko.
Natawa si Az. "Ow. Really, huh? Knowing you, hindi uso sayo ang mga ganyang drama. If you want something, you won't wait. You always take your move no matter what. Kaya nga grabe ang pag confess mo at pag seduce kay Alec noon diba? You know what cous, kung ikaw pa rin ang dating Cory na kilala ko, you won't be wasting your time at malamang ngayon, kayo na ni Alec."
"It's not like tha-"
"Or else... you like someone else." Tumaas ang kilay nya.
Kinabahan ako sa sinabi nya sa akin. Natulala ako sa kanya at windang na windang samantalang sya ay parang wala lang ang mga sinabi nya. Pumikit ako at bumuntong-hininga. Why am I doubting my feelings right now? Damn!
"Azariah-"
"KYAAAAAH!" natuliling ang tenga ko ng marinig ang malakas na tilian na 'yun. Bumaba ang tingin ko sa court at nakitang huling pumasok si Russell. Inawang ko ang bibig ko at pinagmasdan lang sya. 'yung tindig nya at kung paanu sya lumakad na parang hari doon. Nagwala ang mga alaga ko sa tiyan. Nakipagsabayan sila sa pagpupugay ng mga babaeng nasa harapan ko. They're happy seeing their king. Sumimangot ako. Traitors! Mga traydor! Kaylan pa nagsimulang magkaroon ng hukbo si Russell sa loob ng tiyan ko?
"He's really popular." Bulong ni Az. Hindi ko sya pinansin. Tinitigan kong mabuti si Russell at sa loob-loob ko, hindi ko alam kung bakit pinagdarasal kong sana.. tumingin sya sa akin.
"RUSSELL!" may tumili doon sa bandang itaas. Napalingon si Russell sa kanina, ngumisi pagkatapos ay kumaway. Tss. Flirt.
Kumunot ang noo ko at sinamaan sila ng tingin.

BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...