Sorry guys, isa muna ngayon. Nagloloko kasi 'tong internet. Halos isang oras ako nagtyagang mag refresh para lang ma upload 'to. -_-
-
Chapter 50
Binigyan kami ng limang ticket sa isang sikat na amusement park sa laguna bilang premyo. Wala akong pakialam doon at diretsyong bumaba sa stage matapos naming madawit sa walang kwentang laro sa bar na ito.
"Sino ung babaeng kasama ni Russell?" dinig ko ang paguusap ni Cecilia at Janeth.
"Angel?"
"Angel? Pinsan ni Rihanna?"
"Who's Rihanna?" kunot-noong tanung ni Janeth
"'Yung taga Davao."
"Taga Central si Angel."
"Oo. Alam ko pero 'yung pinsan nya taga Davao." Ngumuso si Janeth.
"Diba bata pa 'yun."
"Yup. Ang alam ko, kasing edad nung mga pinsan ni Russell. That girl is quiet popular too. I've seen her pics. She's such a beauty naman talaga." Nagkibit-balikat si Janeth.
Nagiwas ako ng tingin at lumunok.
"Shocks. Super sayang. Di kayo nakapag-kiss ni Alec." Malakas na bulong ng pinsan kong si Az. Sumimangot ako at hindi nalang sya pinansin dahil alam kong medyo may tama na rin ang isang 'to.
Lumapit si Alec sa akin at bumulong.
"Ok ka lang?" tanung nya.
Ngumiti ako at tumungo-tungo sa kanya.
"Oo naman." Sabi ko.
"Do you want to keep this or should I throw it away?" Aniya at winagayway sa harapan ko 'yung ticket na napalanunan namin.
"Just.. just keep it. Sayang naman." Sabi ko at dinampot 'yung isang shot ng vodka sa gilid ko at ininom 'yun.
"Don't get drunk."
"I know, Alec." Sagot at sinulyapan ang table kung nasaan sila Russell.
Nakapwesto sila di kalayuan sa table namin. Sa bilang ko, anim sila doon. Tatlong babae at tatlo rin silang lalaki. I bet those are Angel's friends. Puno ng mga bote ang table nila. Angel is clingy. Nakasabit ang dalawa nyang kamay sa braso ni Russell. Bumuntong-hininga ako at nagkagat-labi. Dammit, Cory. Stop staring for Pete's sake!
Kinuha ko 'yung isa pang shot at ininom ulit 'yun. Binalingan ko si Janeth na tawang-tawang hinuhubad ang kanyang manipis na blazer. Napa 'woo' kami ng makita kong gaanu ka-daring ang damit nya. Mukhang nabadtrip ang pinsan kong si Az kaya tumayo din sya at hinubad ang kanya. Laglag ang mata ko ng makita ang malusong nyang dibdib na sumisilip sa kulang dugo nyang fitted dress. Tss. Kala ko ba ok na sila?
"She's drunk." Umiling ako.
"She is." Sabi naman ni Alec. Nilingon ko sya at nakita kong nakatitig sya sa akin. Medyo nailang ako kaya ningitian ko nalang sya.
"Are you okay that Russell is here?" Mahina nyang tanung
"Like I can do something about it." Nagkibit-balikat ako at akmang iinumin ang pangatlo kong shot ng hawakan nya ang kamay ko para pigilan ako.
"Alec-"
"I should have kiss you earlier." Mahina at paos na sabi nya.
Uminit ang mukha ko at hindi ko malaman kung dahil ba 'yun sa alak o sa sinabi nya.

BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...