Chapter 40

3.3K 98 9
                                    

Sorry ngayon lang. Naging busy lang po. Starting today, i'll try my best para mag-update everyday. Need to finish this one before the year ends. Since, i am very excited to share FORBIDDEN to all of you. =)

--

Chapter 40

Nanatiling nakatayo lang ako doon at nakatitig sa kanya sa kabila ng kanchawan sa amin ng mga tao. Nanginig ang systema ko habang buhay syang nakikita sa harapan ko ngayon. 6 months palang ang nakakaraan pero parang ang tagal tagal na. Parang ang daming nagbago sa kanya. It seems like he's a different person now. Bukod sa medyo naging tan sya ngayon, humaba din ng kaunte ang buhok nya. Hindi ito nakaayos gamit ang wax o anu. Hinayaan nya lang itong magulo and I think that's very sexy.

He's just there.. staring at me blankly parang.. hollow. Parang walang laman. Parang laman buhay.

"Haha. Come on guys, you got it all wrong." Natatawang nagpapaliwanag si Alec sa kanila.

"Wag mo ng itanggi. We are happy for you guys!" sumigaw si Jacob sa galing sa madla. Nilingon sya ni Alec at nakita ko ang paglaki ng mata nito ng makitang nasa tabi nya si Russell. Nalaglag ang tingin sa akin ni Alec. Tinignan ko rin sya. Nakita ko kung paanu nawalan ng kulay ang mukha nya ng makitang namumula ang mga mata ko.

"I.. didn't know. I'm sorry." Hiwakan nya ang kamay ko.

Umiling lng ako at pilit na ngumiti sa kanya. Hindi nya rin alam. Wala rin syang alam na darating ngayon si Russell.

Humupa ang mga tao. Parang bulang nakamove-on na sila sa nangyari. Basta, pinaniniwalaan nila kung anu ang nakita nila. They saw us kissed so, kami na. 'yun na 'yun para sa kanila. I know, people are always been like that.

"Kasalanan ko." Mahinang sabi ko kay Alec.

"It's not your fault, okay?" Ani ni nya sa akin.

"W-what should I do, Alec?" nangangatal na tanung ko

"All you need to do now is just to stay by my side." Sabi nya.

Tinignan ko sya ng dahil doon.

Hindi sya sumagot at tinignan lang din ako pero naagaw din ang pansin ko nang marinig ko ang yabag ng kung sinong papalapit sa amin. Nagangat kaagad ako ng tingin. And there, I saw them walking towards us.. and when I said 'them' it's means Jacob, Eman and of course, Russell.

"Bro." Tumatawang sinalubong ni Eman si Aec. "Congrats." Aniya. Sunod syang bumaling sa akin at kumindat. Ngumiti lang ako.

"Hindi kami. It was just a mistak-"

"Come on. Wag mong sabihing nung naghalikan kayo kanina mistake lang 'yun?" Natatawang sabi ni Jacob. Hindi ako umimik. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang hinihintay na magsalita ang isa pang lalaking nasa gilid nila.

"Think what you want." Banas na sabi ni Alec sa kanila. Suminghap ako ng makita kong kumilos si Russell at lumapit kay Alec. Sinundan ko sya ng tingin.

"Happy Birthday and.." Lumunok muna sya bago nagsalita ulit. "Congrats." Aniya.

"Hindi kami-"

"Finally." Aniya at lumingon sa akin ng walang bahid na kahit anung emosyon.

Nanlamig ang buo kong katawan at pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa. God, waited for him for six months. Hinintay ko syang bumalik para sabihin sa kanya na I was so sorry at mahal ko sya. Pero bakit ganito?

He's looking me with that cold eyes of his. He's not supposed to look at me like that. Nasaan na ang tingin nya sa akin na puno ng pagmamahal noon? 'Yung mga tingin nya sa akin na para bang ako ang taong pinakamamahal nya sa buong mundo? Lahat 'yun napalitan ng malalamig na tingin. Para bang hindi na ako.. Para bang wala na.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon