Chapter 44
Pakiramdam ko uminit sa loob ng room. Parang mga bubuyog ang mga babae sa classroom na ito ng dahil sa bulungan nila. I know, they feel great because Russell is here. Kung ganun, kanina hinatid nya lang pala si Angel sa classroom nya bago pumunta dito. Ang swerte naman ni Angel hinahatid pa talaga sya ni Russell. He's so caring to his girlfriend at mukhang talagang seryoso sya dito.
Thirty minutes had passed. Thirty minutes more and the class is over. Damn. I wish I have more time. Sana mas matagal pa, ngayon ko nalang ulit sya nakakasama sa isang lugar. Dati rati, palagi akong nasa bahay nya. We lived in the same roof at miss na miss ko na ang mga panahong 'yun. I want him again. I fucking want him again and now, I know it's impossible dahil may iba na sya.
Mabilis na lumipas 'yung oras. Unang ring palang ng bell ay nagmamadali na syang umalis. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumayo din sa kinatatayuan ko at sinundan sya. Mabilis ang lakad nya kaya binilisan ko rin ang akin. Nang makita kong umakyat sya sa 2nd floor kung saan ang rooms ng mga second year ay tumigil ako sa paglalakad. Pinagmasdan ko syang sumandal sa railings sa harap ng pintuan ng Room 203. Ilang sandali pa ay nakita kong naglabasan na ang mga estudyante doon. Isa si Angel na lumabas at sinalubong kaagad sya ng mahigpit na yakap. Nakita ko kung paanu sila tignan ng mga estudyante doon. Alam kong nakilala nilang dakilang playboy si Russell kaya malamang ay nagtataka sila. Lumapit si Angel sa tenga ni Russell at may binulong dito. Nasundan ko kung paanu umangat ang gilid ng labi ni Russell nang madinig ang binulong ni Angel sa kanya. Napanganga ako. This is the first time I saw him smile simula nung bumalik sya.
Umatras ako at tumalikod ng makitang hinawakan ni Russell ang kamay ni Angel at pinagsalop ito sa kanya. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko at nanginginig na hinahanap ang cellphone kong kanina pa nagvi-vibrate sa loob ng aking bag.
"H-hello?" Nanginig ang boses ko ng sagutin ang tawag.
"Nasan ka? Nasa tapat ako ng classroom mo. Wala ka." Ani ni Alec sa akin.
"A-ah.."
"Where are you?" tanung nya.
Tinakpan ko ang bibig ko ng muli akong lumingon at masilip ang mabilis na paglapat ng labi ni Angel kay Russell. Lumandas ang luha sa mga mata ko at kinagat ang aking ibabang labi para mapigilan ko ang aking pagiyak.
"Cory?"
"S-sorry. Hintayin mo nalang ako dyan. Nasa CR ako." Pagsisinungaling ko.
"Sa car park nalang kita hintayin. Okay? Bye." Aniya at binaba ang tawag.
Pinahid ko ang luha ko at pumasok ng CR para makapagayos manlang. Humarap ako sa salamin pagkatapos ay tinitigang mabuti ang itsura ko. Seriously, I look miserable. Para akong nalosyang. Damn it.
Nilabas ko ang make-up na mayroon ako sa bag ko at inayos ang aking sarili. Nagagalit at naiinis ako ngayon sa sarili ko. Pakiramdam ko, napakadesperada ko na. Alam kong maling maramdaman ko 'to pero naiinis ako kay Angel kahit na wala naman syang ginagawang masama sa akin. Alam kong maling isipin ko 'to pero I want her gone! Fuck! I want her gone in my life! I want her gone in Russell's life!
Madiin kong pinahid ang pulang lipstick sa labi ko. Nanginginig ang buong systema ko sa sakit at sa selos. If only I can forget him! Kung kaya ko lang sana..
Lumabas ako ng banyo pagkatapos kong makapagayos. Ayaw ko ng pumasok sa susunod kong klase. I want to go home now.
"Bakit ang tagal mo?" sinalubong ako ni Alec nang makita nya akong papunta ng car park.
"Ah. S-sumakit kasi ung tiyan ko." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
Sinilip nya ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...