Chapter 68

4.5K 120 9
                                    


Chapter 68

Nagising ako kinabukasan dahil sa nararamdaman kong maliliit na halik sa aking pisnge, ilong, noo at labi. Dahan-dahan kong minulat ko ang mga mata ko at kaagad na nakita ang nakangiting si Russell na nakatitig sa akin. He's grinning habang pinagmamasdan akong nakakunot-noo sa pagmumukha nya.

"Good morning gorgeous." He smiled.

Dinilat ko ang mga mata ko at tinitigan sya. Damn, he's so hot. Uminit ang pisnge ko at tumalikod sa kanya.

"Hey, why? May masakit ba sayo?" tanung nya.

Umiling ako.

"Wala." Sabi ko. Pumikit ako ng mariin at para bang gustong pagsisihan kung bakit ba ako pumayag na magpalipas ng gabi dito sa bahay nya. I didn't even text Alec at sigurado akong nagaalala na 'yun sa akin.

"Hey." Aniya at hinalikan ang balikat ko. Nagulat ako at napalayo kaagad. Tinignan ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot. I'm still naked for God sake! We were doing 'it' until morning at puyat ako.. at puyat sya. Shit!

"What?" Natatawang sabi nya.

"A-anung oras na?" tanung ko.

"10 o'clock."

"WHAT?" sabi ko sabay tayo sa kama. Nadinig ko ang pagsipol ni Russell. Nanlaki ang mata ko at muling hinila ang kumot.

"Bastos!" sigaw ko sa kanya.

Tumatawa syang pinagmamasdan akong hirap na hirap ibalot ang sarili ko sa kumot. Binalingan ko ang bag ko at kinalkal 'yun. Nang makita ko ang cellphone ko ay nakita kong nakapatay yun dahil lowbat.

"What are you doing?"

"Damn. Nakalimutan kong magpaalam kay Alec. Dead bat tong phone ko. Tss." Sabi ko at nagkamot ng ulo.

"Bakit kailangan mo pang magpaalam sa kanya?" iritadong tanung nya sa akin.

Banas ko syang binalingan.

"Hindi ako umuwi kagabi at siguradong nagaalala na yun sa akin! Isa pa, binilin ako ni Daddy sa kanya." Sabi ko

Hindi sumagot si Russell at sumimangot lang. Pilit kong ino-on ang cellphone ko pero wala na talaga 'yung pagasa.

"Can I borrow your phone?" tanung ko sa kanya. Umirap sya at iniabot sa akin ang mamahalin nyang cellphone. Nakita ko kaagad ang nakawallpaper doon. It's me. Base sa itsura ko dito, matagal na 'to at mukhang nung mga panahon pa na nakatira kami dito sa bahay nya. College days.

"When did you took this?" tanung ko.

"While you're sleeping." Tipid nyang sabi at muling humiga sa kama. Pinagmasdan ko lang syang nakakunot ang noo doon. Pumikit ako at inilapag ang cellphone ko sa kama at nilapitan sya. Damn it. Bakit ba hindi ko kayang tiisin ang lalaking 'to?

"I need to go home." Bulong ko sabay halik sa pisnge nya.

Hindi sya sumagot at tinitigan lang ako. Tinitigan ko lang din ang magaganda nyang mga mata. Malalim ang bawat titig nya at ang bawat paghampas ng pilik mata nya ay para bang nagbibigay sa akin ng buhay. Mas ngumiti ako at mas lalo kong napatunayan sa sarili ko kung gaanu ko sya kamahal at sa pagkakataong ito ay sigurado na akong hinding-hindi ko na talaga sya papakawalan.

"Di ba pwedeng dito ka nalang?" tanung nya at hinaplos ang hita ko.

"Sorry but I have to. Wag ka ng magalit." Sabi ko yumuko para halikan sya sa labi.

Hindi nya sinasagot ang halik ko nung una pero kinalaunan ay hinawakan nya rin ako sa bewang at hinalikan rin. Hinila nya ako mas malapit sa kanya. Nasa ibabaw nya ako at inaalalayan akong gumalaw para makapagpalit kami ng pwesto. Nangyari naman ang gusto nya. Nang sya na ang nasa ibabaw ko ay mas hinalikan nya ako. Ngumiti ako at ginulo-gulo ang buhok nya. Nang lumalim ang mga halik nya at naramdaman ko na ang pagkaluwang ng kumot na nakapulupot sa katawan ko ay tumigil na ako. Pumikit ako at mariin at nangingiting tinulak sya.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon