Chapter 70

5.9K 133 17
                                    

This is the last chapter. Thank you so much. Please support me again in Surrender. xoxo

MEDYO SPG!

-

Chapter 70

Hindi ako mapakali habang dinudungaw si Daddy at si Russell sa sala habang naguusap, feeling ko kasi kung anu-anu nang sinasabi ni Daddy kay Russell. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang pinagmamasdan si Daddy na sumisimsim ng kape nya habang seryosong nakatingin kay Russell. Nakayuko naman si Russell at pinagmamasdan ang mga daliri nya habang nagsasalita. Hindi ko naman madinig mula dito sa pinaguusapan nila kaya wala akong nagawa kundi ang maghintay nalang.

Isang oras din ang tinagal nang paguusap nila bago ko nakitang tumayo si Daddy at ganun din si Russell. Kaagad akong naglakad palapit sa kanila pero naunahan ako ni Daddy sa pagsasalita.

"Ihatid mo na si Russell sa labas. It's late." Tipid nyang sabi bago kami tinalikuran.

Hinarap ko si Russell. Nagtatanung ang mga mata ko pero ngumiti lang sya sa akin. Sabay kaming naglakad palabas ng bahay hanggang sa labas ng gate sa tabi ng kanyang sasakyan.

"What happen? Anung pinagusapan nyo?" tanung ko.

Nagkibit-balikat sya.

"Hm. Nothing.. Just.. things about you."

"'Yun lang?"

"And.. Alec. Hundred times ko atang narinig ang pangalan nya." Ngumisi sya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinawakan ang braso nya.

"Sorry."

"Don't be sorry. I understand. He's just shocked. Tama naman kasi ang sinabi nya, Alam nya kung gaanu katindi ang pagmamahal mo kay Alec noon. He witnessed everything. Tapos biglang ako ang ipapakilala mong boyfriend mo. Kung ako ang Daddy mo, hindi rin talaga ako maniniwala." Aniya.

"Russell.."

Kinuha nya ang kamay ko.

"But, I'm not gonna give you up. That's what I said to him. He witnessed you chasing Alec, sayang lang at hindi nya nasaksihan kung paanu ako naghabol sayo." Natawa sya.

Ngumiti ako at niyakap sya.

"My Dad isn't bad."

"I know."

"Anu pang sabi nya sayo?"

"Bawal daw 'to." Aniya

Humiwalay ako sa kanya.

"What?"

"Bawal daw ang yakap at halik. Paanu yan? Baka kapag nalaman nyang mas higit pa doon ang ginagawa natin mas lalo nya akong paginita- ouch!"

"Bunganga mo talaga ha, Russell!" inis na sabi ko.

"Totoo naman eh. Patay talaga ako nito." Aniya habang hinihimas ang tagiliran nyang kinurot ko. Lumapit ako sa kanya at ngumisi.

"Ibig sabihin kailangan mong magpigil." Natawa ako.

He grinned at me.

"Kaya ko siguro kung hindi mo ako aakitin." Aniya.

"Kapal. Paanu mo naman nasabing inaakit kita, aber?" Tumaas ang kilay ko

"By the way you kissed me, the way you stared at me. Parang hinuhubaran mo ako."

Natawa ako.

"Ang kapal ng mukha mo, Russell Riley ha!" Tumatawang sabi ko.

Tumawa din sya at niyakap akong muli.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon