Chapter 16
Syempre nilingon ko sya dahil sa sinabi nyang 'yun. Natatanung ang mga mata ko. Anung sinasabi nyang 'Let's date?'
"Anung sinasabi mo?" tanung ko.
Nakakunot ang noo.
"I said, let's date today." Aniya
"Ang sabi mo bibilhan mo lang ako ng blower, ah." Sabi ko.
Nakita ko ang pagngisi nya at pagiling-iling. Kinuha nya ang kamay ko pagkatapos ay hinila na ako palayo doon sa maraming tao. Dahil malakas sya ay wala akong nagawa kundi ang magpatinaod doon sa paghila nya sa akin. Nakalabas kami doon sa circle na maraming tao. Hawak-hawak nya parin ang kamay ko.
"Let go." Utos ko sa kanya.
"Let's hold hand."
"Baka may makakita satin dito."
"Walang makakakita satin. Believe me. Malayo ang mall na 'to sa University." Sabi nya at patuloy parin sa paghila sakin. Tumaas ang kilay ko. So, sinadya nya 'to?
Hindi na ako sumagot at hinayaan nalang sya. Nauuna syang naglalakad sa akin at para akong batang nakasunod sa kanya. Pinasadahan ko ng tingin ang malapad nyang likuran at ang matikas nyang katawan. Siguro, gabi-gabi, doon sya sa boxing ring nya nag wo-work out. Mayaman talaga ang isang 'to.
Nang madaan ang mata ko sa Watson ay kaagad ko syang hinila.
"Ayan na, sa Watson nalang tayo bumili ng blower then, let's go home." Sabi ko.
Nilingon nya ako pagkatapos ay hinila palapit sa kanya. Nagulat ako ng dahil doon, lalo na nang hapitin nya ako sa bewang.
"Shit! Russell!" suway ko at pilit na tinatanggal ang kamay nya sa bewang ko pero hindi ko magawa. Gago talaga 'to!
"I said I want to date you."
"Tss. Forget about the date Russell. Si Alec lang ang gusto kong i-date!" Sabi ko sa kanya. Nakita ko kung paanu kumunot ang noo nya ng dahil sa sinabi ko. Ops.
"Well then, let's play a game again."
"What game?"
"Isipin mo nalang, praktis 'tong ginagawa natin. Think of me as Alec. Kunwari ako sya at ito na ang actual date ninyo. I want you to show me how you behave in front of him."
Tumaas ang kilay ko sa kanya.
"Ewan ko sayo Russell! Puro ka laro!"
"This is all you want right? All you want is a fucking game." Aniya
"Kapal mo! Bitawan mo na nga ako!" sabi ko at mas tinulak sya palayo ng mas kabigin nya ako palapit. Uminit ang pisnge ko. Fuck, Russell! Ito na naman sya!
"Kunwari ako si Alec. This is date. I am holding you this close right now. What are you going to do?" pabulong na tanung nya sa akin.
Kinilabutan ako ng dahil doon. Nagangat ako ng tingin sa kanya at nakita kong malalim syang nakatingin sa akin. Naimagine kong bigla 'yung sinabi nya. Naimagine kong sya nga si Alec. Tumataas ang buhok ko sa batok. Parang mahihimatay siguro ako kung ganun.
"Urg. Hm." Naubusan ata ako ng salita. Nawalan na ako ng sasabihin. Ang umiikot na ngayon sa isip ko ay ang mga sinabi ni Russell sa akin.
"What now?" tanung nya sa akin.
Hindi ako sumagot. Hinayaan ko syang hawakan ang beywang ko nang ganun. Nanghihina ako. Really? What's happening?
"So, this is how you behave if you're beside him." May pait ang kanyang boses.
BINABASA MO ANG
Wicked
عاطفيةCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...