Chapter 28
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang pinakinggan ang buntong-hininga nya sa kabilang linya.
"C-can you.. can you just atleast pretend? Atleast pretend that you love me?" tanung nya.
"Russell.."
"I love you Cory." Huminga sya.
"Can you say you love me too?" tanung nya.
Suminghap ako at inawang ang ibabang labi ko. Russell, I don't need to pretend.
"I love you. I love you Russell." Matamang sabi ko.Sandali syang tumahimik bago nagsalita.
"God, I really wish you're really inlove with me." Aniya.
Hindi ako nagsalita. I don't know what to do. Anung gagawin ko kapag nalaman nila? Anung gagawin ko kapag nalaman ni Azariah na nagkatotoo ang sinabi nya sa akin noon na baka maging totohanan ang larong namin na 'to ni Russell? Anung gagawin ko kapag nalaman ni Alec na mahal ko ang kaibigan nyang si Russell at habang pinipilit ko ang nararamdaman ko sa kanya noon ay sa iisang bubong kami natutulog ni Russell at may nangyayari sa amin? Anung sasabihin ko kay Russell? Sasabihin kong mahal ko sya tapos ano? Magiging kami? At paanu si Alec? Paanu ang mga taong nakapaligid sa amin? Si Daddy? Paanu ko sasabihin sa kanya na nagpunta ako dito sa Pilipinas para sa pag-ibig ni Alec pero nagmahal ako ng ibang tao? Paanu?
Naghintay ako nang isang oras at sinundo nga ako ni Russell. Nang marinig ko ang pagbusina nang sasakyan sa ibaba ay dinala ko ang bag ko at lumabas nang kwarto.
"Oh? San ka?" tanung ni Azariah sa akin
"Russell's outside. Sinusundo nya ako."
"Why?"
"Uuwi ako sa kanya." Matamang sabi ko.
Halatang nagulat ang pinsan ko ng dahil doon.
"Kahit pa? Hinatid ka ni Alec dito kanina ah."
"There's still a week left, Az."
"And?" tumaas ang kilay nya.
"A deal is a deal."
"Kayo na ba ni Alec?"
Umiling ako.
"Then, kayo ba ni Russell?" biglang tanung nya.
Kaagad ko syang nilingon nang dahil doon.
"Of course not!" Sabi ko.
"Just wondering. Kung nakikita mo lang ang nakikita ko ngayon-" Tumigil sya at umiling.
"What are you saying?"
"May bumusina lang na sasakyan sa labas halos liparin mo na yang hagdan natin para lang makababa." Umirap sya. "Something's odd. I'll bet a thousand bucks cous." Aniya.
Umiling-iling ako nang dahil sa sinabi nyang 'yun. Diretsyo akong lumabas nang pinto at pumasok sa sasakyan ni Russell. Binalingan ko sya ng tingin pero hindi nya ako tinignan. Diretsyo nyang pinaandar ang sasakyan. Wala kaming imikan sa loob. Ang tahimik. Nakakabingi ang katahimikan. Hindi ako sanay nang ganito. Dapat ay nagsisigawan kami. Dapat ay nagbabangayan kami.
"Sorry." Sabi ko.
Hindi parin sya umimik. Buntong-hininga nya lang ang nadidinig ko. Huminto kami nang dahil sa spotlight. Tinignan ko syang muli pero hindi nya ako pinakinggan. Nagiigting ang bagang nya at nakakunot ang kanyang noo.
"Russel-"
"I'm angry and jealous as hell, Cory." Malamig na sabi nang muling paandarin ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...