Chapter 51

3.9K 111 23
                                    


Chapter 51

Buong lakas ko syang tinulak sa kabila ng nanginginig kong mga palad. Mabilis kong dinampot ang mga gamit kong nagkalat sa lapag. Padarag na nilagay ko 'yun sa loob ng bag ko bago sya tinalikuran pero kaagad nyang nahuli ang braso ko.

"Wait u-"

"BACK OFF!" sabi ko at padabog na binawi ang braso ko sa kanya. Nakita ko ang masakit na ekspresyon ng mga mata nya nang dahil doon.

Tinuro ko sya. "Don't you dare claim me as your own Russell dahil simula nung araw na tinalikuran mo ako at pinili mo si Angel kaysa sa akin ay tumatak na dito sa isip ko na makakaya mo parin akong ipagpalit sa kany-"

"Alam mong ikaw ang mahal ko-"

"Oh come on, Russell." Natawa ako. "Hindi mo gagawin ang mga bagay na yan kung mahal mo ang isang tao. Ganyan ba ang pagmamahal sayo ha? Pathetic jerk!" sigaw ko.

Hinilamos nya ang palad nya sa kanyang mukha.

"Damn it Cory. I'm tired of-"

"Well, I'm tired too." Sabi ko. Nakita ko ang pagtigil nya. "I'm tired." Sabi ko at tuluyan syang tinalikuran.

Nanghihina ang mga binti ko pero nagawa ko paring maglakad ng mabilis paalis sa lugar na 'yun. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko anumang oras. Pakiramdam ko, unteng kalabit lang sa akin ay babagsak na ang mga luha sa mata ko.

Bumalik ako sa doon sa upuan namin kanina. Nagtagpo kaagad ang mga mata namin ni Alec. Kaagad syang tumayo at sinalubong ako.

"Where have you been? Bakit ang tagal mo?" natatarantang tanung nya at hinawakan ang magkabilang siko ko.

"Let's.. let's go home, Alec." Mahinang sabi ko at ginusot ang mga mata ko.

"What happen?"

"N-nothing. Sumakit kasi ang tiyan ko. I want to go home. Where's Az?" tanung ko.

"She's.. somewhere?"

"What? Where?"

Bumuntong-hininga sya.

"A man grabbed her. A tall one, about 6 foot? He claim as Az boyfriend. Brian Kenneth is the name." Aniya.

Pumikit ako at bumuntong-hininga.

"Ex. He's Az ex." Pagtatama ko.

"Sorry. Hindi ko sila napigilan. She's kissing another guy. That man got mad so.." Tumigil sya at bumuntong-hininga. "Look, she's drunk but she's going to be alright." Aniya.

Tumungo-tungo ako.

"I want to go home. I need to go home. I need to check on Az." Sabi ko at binalingan sya ng tingin pero nang makita kong nakatingin sya sa likuran ko ay napalingon narin ako. I saw him staring at a man behind me, Russell.

Oh no..

"Alec-"

"You two, where have you been?" tanung nya at nilingon ako.

"Let go, Alec." Sabi ko at kaagad na kinuha ang kamay nya para hilain palabas ng bar na 'yun.

"Wait-"

"Alec please. Let's go." Sabi ko sa kanya.

Mabilis ang lakad ko papuntang parking lot kung nasaan ang sasakyan ni Alec. Nasa likuran ko lang sya. Pumasok kami sa loob at ng magsimula syang magmaneho ay malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

Binaybay namin ang kalsadang halong wala ng sasakyan. Madaling araw na at wala na rin gaanung tao. Hininto ni Alec ang sasakyan sa isang bakanteng lugar malapit sa tulay. Binalingan ko sya ng tingin.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon