Chapter 53

3.5K 99 12
                                    


Chapter 53

Nanginginig akong bumalik sa guest room kung saan natutulog si Alec. Naabutan ko syang tulog parin doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinakiramdaman ang malakas ng tibok ng puso ko. Thmis is b ad. I really need to get rid of this. Hindi ko na talaga gusto na ganito ang nararamdaman ko. This love is slowly eating me up. I miss my old self so damn much. I already lost my love, now I can't afford to lose myself too.

Maaga kaming nag-prepared kinabukasan para sa papunta namin sa Lubao Falls. Nakatitig ako sa sarili ko sa salamin habang naglalagay ng pink lipstick nang makita ko sa likuran ko si Alec.

"What did you get for him?" biglang tanung nya.

Nilingon ko sya. "Huh?"

"Don't tell me you didn't bought him a gift?"

"I did."

"What?" tanung nya.

"T-shirt." Sabi ko at tumayo na doon sa kinauupuan ko at isinabit ang bag ko saking balikat. "I don't need to buy him something special. T-shirt is enough." Sabi ko.

"I see." Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko.

"Hey!" suway ko sa kanya.

Tumawa lang sya. "You look stunning with maxi dresses." Aniya.

Uminit ang pisnge ko at ngumuso.

"Napakabolero mo talaga." Sabi ko.

Nagtatawanan kaming lumabas ng kwarto. Nang isara ni Alec ang pintuan ay napatingin naman ako sa dalawang taong lumabas din sa katapat naming pintuan. Si Russell at Angel. Nakasuot si Russell nang isang khaki shorts at itim na sando. May nakasabit ding aviators sa kanyang dibdib. Isang maiksing dress naman ang suot ni Angel at naka tsinelas lang. Nagtagpo ang mga mata namin ni Russell. Nagbalik ang lahat ng ala-ala sa akin ng paguusap namin kagabi. Nagiwas nalang ako ng tingin at binalingan ng tingin si Alec.

"We're in a hurry, right?" Ani ni Alec at hinawakan ang kamay ko. "Let's go." Aniya.

Tumungo-tungo ako at nagpatinaod na sa paghila nya.

Nanang bumaba kami ay naroon na ang iba sa loob ng van. Ang sabi ni Alec sa akin medyo malayo nga daw ang Lubao Falls dito dahil nasa may parteng bayan ang bahay nila Russell at pupunta daw kami doon sa may probinsyang parte talaga.

"Gusto mo dito sa may bintana?" tanung ni Alec sa akin.

Tumungo-tungo ako at umupo doon sa malapit sa bintana.

"Thanks." Sabi ko.

"Mabuti at may van kayo!" Tumawa si Jacob sa likuran namin habang nakatanaw kay Russell na nasa tabi nya. Nasa pinakalikuran sila at nasa magkabilang bintana rin sina Angel at Amy. Nasa tabing upuan naman namin sina Eman at Irene.

"Ginagamit talaga naming magpipinsan 'to kapag may outing kami." Tipid nyang sabi nya tinignan ako. Nagiwas ako ng tingin. Damn, Cory. Stop staring.

May sariling driver kaya relax lang ang lahat sa loob ng van. Nagtaka nga ako nung una kung kami lang ba talaga ang pupunta doon para sa birthday ni Russell. Pero sinabi ni Alec na susunod daw ang mga pinsan nya doon maya-maya

Humikab ng malakas si Eman.

"Hindi ako nakatulog ng maayos." Aniya. I heard Irene giggled. Nilingon ko sila. Napatingin sa akin si Eman at kaagad kong napansin ang labi nyang pulang-pula. Mukhang napansin nyang nakatingin ako doon kaya kumindat sya sa akin. Uminit ang pisnge ko at nagiwas ng tingin.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon