Chapter 41
Habang tumatagal ay mas lalong sumasakit sa pakiramdam. Pakiramdam ko milyon-milyong karayom ang tumutusok sa loob ng tiyan ko. Sobrang sakit at parang gusto kong masuka. Bumaling ako sa orasan ko at nakitang alas dyes palang ng gabi. Ang tagal-tagal ng oras. Pakiramdam ko mabagal ang pagtakbo nito ngayong narito si Russell.
"Ehem! Ehem! Good evening Ladies and Gentlemen!" Nagangat ako ng tingin ng marinig ang boses ng pinsan kong si Azariah sa stage. Nakita ko sya roon na may hawak na microphone at nakangisi.
"We are all gather tonight to celebrate the 25th birthday of our friend, Alec Sebastian Montenegro. Syempre, dahil birthday nya ngayon dapat sabay-sabay natin syang kantahan. Then after that, the celebrant will blow his cake." Aniya.
Pumalakpak ang mga tao. Nakita kong tumayo si Alec sa tabi ko at ngumiti.
"Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday. Happy Birthday. Happy Birthday to you.." dumagundong ang loob ng bar sa malakas na pagkanta na may kasama nang kanchaw ng mga kaibigan nya.
Pumalakpak kami. Tumawa si Alec at hinipan 'yun candle ng cake nya. Panay ang palakpak ko dahil nakikita kong masaya sya. Nang matapos nyang hipan 'yun ay lumingon sya sa akin at sinenyasan akong lumapit kaya naman kumilos ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit ay kinuha nya na ang kamay ko at hinila papunta sa kanya.
"Oh? Bakit?" Natatawang sabi ko habang hinihila nya ako papunta sa bisig nya.
"Are you okay?" bulong nya ng mayakap ako.
"A-ah? Oo naman."
"I know you're not."
"Alec, I am okay. Ayokong sirain ang araw na ito. It's your birthday today." Sabi ko.
Ngumiti si Alec at tumungo-tungo sa akin.
"Just tell me if you want to go home okay?" tanung nya sa akin.
Ngumiti ako at tumungo-tungo.
Lumakas ang music. Parehas kaming halos mabingi sa lakas nun. Ibig sabihin ay simula na ng sayawan. Hawak-hawak parin ni Alec ang kamay ko habang hinihila ako papunta sa dance floor. Nakatawa ako nung una pero nang mahagip ko ng tingin si Russell na may kausap na isang pamilyar na babae ay nawala ang ngiti ko. Ilang sandali pa ay nakita ko ng magkayakap sila. Sumunod na yumakap doon sa babae si Eman at Jacob. Kumunot ang noo ko.
"What's wrong?" tanung ni Alec sa akin.
Hindi ako sumagot sa halip ay nanatili parin ang tingin ko doon. Sinundan nya ang tingin ko ay kahit na malakas ang music ay rinig na rinig ko parin ang malinaw nyang pagbanggit sa pangalan ng babaeng 'yun.
"Angel?"
Kumalabog ang dibdib ko at binalik ang tingin ko sa magandang babaeng 'yun. Totoo nga! Sya 'yung babae sa magazine!
Nabaling sa amin ang tingin ni Jacob. Kinawayan nya si Alec. Kumilos si Alec papunta doon pero dahil hawak nya ang kamay ko ay pati ako nagpatinaod sa kanya.
"Alec!" dinig kong sigaw nung Angel at patakbong lumapit kay Alec ay niyakap ito. Kumurap ako. Damn, she's tall.
"How are you Angel? It's been a long time." Ani ni Alec.
"I am fine! Happy Birthday!" excited na sabi nya. Ngumiti sya at nakita ko ang puti at pantay-pantay nyang ipin.
"Thank you." Sabi ni Alec at binalingan ako ng tingin. "By the way. She's Cory.-"
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...