Chapter 18
Anung nangyari pagkatapos nun? Hindi ko na alam. Basta, naramdaman ko nalang ang unte-unteng pagkalunod ko sa mga halik nya. I kiss him back. Damn, ang init-init dito sa loob pero ayaw kong tumigil kahit na sandali. Hinalikan ko parin sya kahit na tumatagaktak ang pawis ko.
"Remember my kiss Russell, kapag hinahalikan mo ang mga babae mo-"
"Oh Babe, shut up and kiss me." Aniya at mas kinabig ako palapit sa kanya.
Hinalikan nya ako at hinalikan ko rin sya. Hindi nagmamadali ang mga halik nya. Tama lang. Dahan-dahan. May rhythm. Parang ninanamnam nya ang bawat sandali. Parang nagiingat sya na hindi ako masaktan. He'll never hurt me.
"I'm in sweat." Bulong nya sa tenga ko habang tinatanggal ang top kong damit. Huminga ako ng malalim dahil mabagal syang kumilos at hindi na ako makapaghintay. Sinabit ko ang dalawa kong kamay sa leeg nya at hinalikan sya doon.
"Dam- Wait, Cory." Nahirapan sya sa paghinga.
"I can't wait." Sabi ko. Damn. Hindi ako makapaniwalang sinasabi ko ito ngayon. I swear, kapag naalala ko 'to bukas o kapag pinaalala nya sakin ito, pagpapatikalkal ako.
"So impatient." Ngumisi sya sa tenga ko at hinalikan 'yun. Napapikit ako dahil nakiliti ako sa paghalik nya doon. Binuhat nya ako at pinaupo sa lap nya. Uminit ang pisnge ko lalo na nang mabalandra na sa harapan nya ang kulay itim kong bra.
"Mababaliw ata ako kapag nakita ni Alec ang nakikita ko ngayon." Aniya sa akin.
Kinagat ko ang ibabang labi ko ng makita ang ngiti nyang nakakakilabot. Hindi ko alam kung paanu nya nagagawa 'yun. Si Russell Riley. Ang panganay ng mga Hernandez. There genes are gold. I've seen it with my two eyes. Mayroon pa syang isang kapatid na lalaki na kaparehas nya ng mata at mga pinsang lalaki. They're still young, kinakabahan ako sa paglaki nila. They're in Central right now at sinisigurado kong magkakalat din ng lagim ang mga batang 'yun pagkalaki. Tama lang na andito si Russell sa Maynila. Yeah. Tama lang.
Lumalim ang halikan naming dalawa. Tumingala ako ng gumapang ang halik nya saking leeg pababa saking collarbone. Ilang mura na ang pinakawalan ko sa isip ko. Damn it! He's really good at this. Naisip ko, ganito din ba ang ginagawa nya sa mga naging babae nya? Shit!
"Wait, Cory, mainit talaga." Kinilabutan ako sa pagbulong nya sa leeg ko. Pakiramdam ko, lahat ng buhok ko sa katawan ay nagsitayuan na. Binalingan ko sya nang tingin at kitang-kita ko kung paanu tumagaktak ang pawis nya mula buhok pababa sa kanyang leeg at katawan. Mas lalong uminit. Oo nga, ramdam na ramdam ko ang init.
Tinanggal nya ang nakabalot sa kanyang kamao habang nakatitig sa akin. Para akong ice cream na unte-unteng natutunaw. Huminga ako ng malalim pagkatapos at pinanuod syang humilig sa akin at hinahalikan ang tiyan ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ang mumunti nyang halik na dumadampi sa aking tattoo.
"I wish you'll have me on your skin someday." Bulong nya.
"Uh." 'yun lang ang nasabi ko. I can't say anything. Parang kinukuha nya ang lakas ko.
Uminda ako ng maramdaman ang buong bigat nya. Hinalikan nya akong muli at naramdaman ko ang kanyang dila. Para akong mababaliw. Tumatagaktak ang pawis ko pero ayaw kong tumigil. I should be damn irritated right now. Pero hindi, mas naiirita pa nga ako dahil sa pambibitin nya sa akin.
"R-russell."
"I love you Cory, Please fall in love with me." Aniya bago ako kunin.
Nang magising ako kinabukasan ay nasa kama na ako at nakasuot ng isa sa mga t-shirt nya. Wala na sya sa tabi ko pero mayroon note sa mesa at pagkain. Kinagat ko ang ibabang labi ko at ginulo-gulo ang aking buhok. Really? Cory, hindi ka na talaga natuto!
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...