Chapter 61
Para akong hinahabol nang kabayo habang papuntang banyo. Rumaragasa ang puso ko at para bang nahihirapan akong huminga. The thought of him being there was making me feel uncomfortable and anxious. Nang makarating ako sa loob ay kaagad akong tumingin sa salamin. Gulat na gulat ako sa itsura ko. I look terribly messed up. Pulang-pula ang mga mata ko at pakiramdam ko anumang oras ay tutulo na ang mga luha ko. Normal na reaction ba 'to? It's been a year and he looks damn okay. Dapat ay ako rin.
Pinikit ko ang mga mata ko at sya ang nakita ko. Yung itsura nya. Yung nakangisi nyang mukha. Yung bawat hampas ng pilik mata nya. Yung galaw nya. Yung kilos nya. Yung boses nya. Lahat nang yun bumabaon sa isipan ko. Sa tuwing ipinipikit ko tuloy ang mga mata ko. Sya na ang nakikita ko.
What happen? I thought I am fine. Earlier, masaya pa ako hindi ba? I was about to tell Alec that we should try again and start again not until he came. What happen, Cory?
*RING*
Nagitla ako ng marinig ang pagring ng aking cellphone. Nang makita kong si Alec ang tumatawag ay kaagad ko 'yung sinagot.
"H-hello?"
"Hindi ka pa tapos?"
"H-huh? Hindi pa. Lalabas na rin ako in a minute."
"Andito ako sa labas ng CR. I'll wait for you."
"Okay lang Alec. Sumunod ka na doon. I'll be the-"
"Don't tell me you're crying?"
"What? No! N-nagreretouch ako." Pagsisinungaling ko.
"Then, lumabas ka na. I'll wait for you." Aniya at ibinaba ang tawag.
Bumuntong-hininga ako at nilabas ko 'yung foundation ko para makapagretouch nalang. Dinagdagan ko rin ang lipstick ko. I need to keep myself intact. I need to keep myself together. This party isn't about me. This is about my cousin Az. At kaya ako narito ay para sa kanya. Same with him. I need to play cool. I need to act normal. I need to pretend. Doon naman ako magaling hindi ba?
Lumabas ako sa CR pagkatapos kong makapagayos. Sinalubong ko ng ngiti si Alec. Kunot-noo naman syang lumapit sa akin.
"Are you okay?" tanung nya
Tumungo-tungo ako
"I am okay, Alec."
"Are you sure?"
Ngumiti ako.
"Alec, ok lang talaga ako. You don't need to worry. I am fine. Let's go?" Sabi ko at nauna nang maglakad sa kanya.
Nasa akin ang mga mata nang mga kaibigan ko nang pumunta muli kami sa party. I still wear my 'I'm okay' face kahit na affected na affected talaga ako dahil narito sya. Pakiramdam ko pili na ang mga kilos ko ngayon narito sya. Now, I admit, si Russell talaga ang dahilan kung bakit ayaw kong umuwi dito sa Pilipinas. Maliit ang mundo para sa aming dalawa.. I mean, we have to same circle of friends at alam kong darating ang araw na ito. At ngayong narito na, I can't run again like I did last time. It's not like Russell will chase me anyway.
Hindi ko nga lang alam kung anung kinatatakot ko. I am afraid to see him. I am afraid to see him smiling while I still recall how I left him broken last year. I am afraid to know the reason or who is the reason why he is smiling right now like nothing happened.
"Cory! Alec! Dito!" sigaw ni Jacob at kinawayan kami. Binalingan ko ng tingin ang isang malaking table kong nasaan sila. Naroon ang mga kaibigan ko, si Az at Brian Kenneth, Si Eman at Jacob kasama ang mga babae nila at si.. Russell.
BINABASA MO ANG
Wicked
Любовные романыCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...