Chapter 38

2.9K 94 8
                                    

Chapter 38

Lumipas ang bawat araw. Parang naging normal nalang ulit ang lahat. Sa umaga gigising ako, papasok sa school, maglu-lunch kami ni Alec tapos ihahatid na nya ako pauwi. Ganun lang. Walang bago. Minsan, lumalabas din kami at nagpupunta sa Mall. Inaaliw ko nalang din ang sarili ko kahit na alam ko namang walang kwenta 'yun kasi kahit na anung gawin ko hindi ko parin naalis ang isip ko sa kanya.

Simula nung araw na 'yun, 'yung araw na sinundan ako ni Russell sa states ay hindi na nagsalita si Alec sa aking tungkol sa nararamdaman nya. Hindi na din namin napagusapan 'yun. Nung araw na 'yun, nakita ni Alec kung paanu ako umiyak dahil mahal na mahal ko si Russell pero hindi ko matanggap ang ginawa nya. Sa harap ako ni Alec nung umiyak. Sa harap ng taong una kong minahal. Napakabuti ni Alec sa akin. He really considers me. Sa tingin ko ay palagi nya talagang inaalala ang mararamdaman ko kaya nagiingat din sya sa mga sasabihin o sa mga itatanung nya sa akin.

"Jacob and Eman talked to me yesterday. They apologized and we're cool now I hope you don't mind." Sabi ni Alec sa akin habang kumakain kami dito sa loob ng cafeteria. Binitawan ko ang hawak kong tinidor at tinignan sya.

"H-huh? Ah, Oo naman."

"Ayaw ko lang kasing maging uncomfortable ka."

"It's okay Alec, they're your friends afterall."

Ngumisi sya at yumuko.

"Yeah. They are." Aniya

Nagpatuloy kaming dalawa sa pagkain. Nitong mga nakaraang araw ay para bang wala akong buhay. Sa tuwing papasok ako dito sa school ay palagi nalang akong nagmamasid sa paligid at palihim na umaasa na sana sa isang sulok nitong skwelahan ay makita ko sya. Na sana, isang araw, dumating sya at kulitin ulit ako. I miss him. Miss na miss ko sya at gabi-gabi kong inaalala ang bawat halik at yakap nya. Gabi-gabi din akong umaasa na babalik sya kahit na alam kong ako mismo ang nagtaboy sa kanya.

"Di pala talaga ang enrol si Russell no? Grabe, halos maglupasay 'yun mga babae nya sa Tourism courses." Marahas na kwento ni April sa akin, isa sa mga kaklasi ko sa subject na ito.

"Ah, talaga?"

Ngumuso sya at pinitik ang kanyang buhok.

"Swerte nung mga naging babae nya no? Dinig ko masarap daw 'yun humalik." Aniya.

Nanlaki ang mata ko at kinilabutan sa sinabi nya kaya hinimas ko ang aking batok.

"H-hindi ko alam.."

"I heard, halos lahat na nga lang daw pinapatulan nya nitong mga huling araw nang sem. Ilang beses syang napatawag sa deans office kasi nahuhuli syang nakikipaghalikan o nakikipaglampungan kung saan-saan." Aniya.

Lumunok ako.

"Si Nory, 'yung mahinhing accounting student nga nakuha nya rin eh, walang kahirap-hirap. Napaisip tuloy ako kung paanu magmahal ang isang tulad ni Russell." Aniya.

Tumibok ang puso ko ng dahil sa sinabi nyang 'yun. Natulala ako at para bang sinampal ako ng katotohanang isang beses sa buhay ko naramdaman ko kung paanu magmahal ng totoo ang isang taong katulad nya. Damn. They have no idea, they have no idea kung anu ang pakiramdam ng mga totoong halik ni Russell, kung anung pakiramdaman ng ikulong ka nya sa mga bisig nya. Those kind of hugs like he don't want you to let go. His touch, his smile, his breath.. the rhythm of his body moving on top of you.. lahat nang 'yun. Dammit.. J-just dammit!

They all get crazy over his false actions, paanu kong totoo na ang ipakita ni Russell sa kanila? What if.. what if Russell found someone else? Pinikit ko ang mga mata ko at nakita ang imahe ni Russell na minamahal ang ibang babae... Shit. I can't. Hindi ko ata kaya.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon