Chapter 32

2.9K 83 6
                                    


Chapter 32

"Cory?" sinilip ni Alec ang mukha ko. Nakita ko kung paanu lumaki ang mata nya nang makitang umiiyak ako.

"Wh-why are you crying?" tanung nya sa akin.

Lumunok ako at nagpahid nang luha.

"So-sorry. Medyo, nagulat lang ako. Walanghiyang Russell talaga 'yun." Pinilit kong ngumiti.

Pinagmasdan nya lang ako.

"I'm sorry, Cory." Aniya.

"It's fine. Wala ka namang kasalanan." Sabi ko at nagpahid nang luha.

Right. I am really a great actress. Sobrang galing ko talagang umarte. Nagagawa ko pang humarap nang ngumiti nang ganito sa harap ni Alec at sabihing ok lang ako kahit na halos mamatay na ako sa sakit na nararamdaman ko. What the fuck! How can I be this stupid? Paanung nagmahal ako nang taong gago?

"Are you okay?" tanung ni Alec sa akin.

Tumung-tungo ako sa kanya. Patuloy parin ang pagpahid ko ng luha. Hindi ko mapigilan. Nakakainis 'tong mga luha ko.

"Cory." Aniya

"Y-yes. Excuse. CR lang ako." Sabi ko at tinuro 'yung CR. Tumungo-tungo sya.

Hilo akong tumayo sa kinauupuan ko at pumasok doon. Hawak-hawak ko ang tiyan ko hanggang sa makapasok ako sa loob. May kung anung nagwawala sa loob ng tyan ko. 'yung mga insektong kakampi ni Russell. Para akong nasusuka na hindi ko maintindihan dahil sa pagwawala nila. Damn it! Damn it! Tinakpan ko ang bibig ko at umiyak nang umiyak. Bakit ngayon pa? Bakit ngayong mahal ko na sya?

Sumabunot ako sa ulo nang mapagtagpi-tagpi ko ang lahat ng mga nangyari. Lahat-lahat. 'yung pagsasabi nya sa akin na mahal nya ako. Hanggang noong sinabi nya sa akin tutulungan nya ako kay Alec, 'yung pagtira ko sa kanya sa loob ng isang buwan, bawat galaw nya, bawat kilos nya.. lahat-lahat. Walang totoo doon. He fooled me! I'm just his trophy. His goal is not to help me with Alec but to make me fall for him... and he wins. Fuck!

Anu ba ako sa kanya? Laruan? Pakiramdam ko, para syang sumali sa isang laro na ako ang premyo. Ganun ba ako ka-cheap sa kanya? Ganun ba ako kababa para paglaruan nya lang ng ganito? Shit!

Nang maramdaman kong nagtagal na ako sa loob nang CR ay lumabas na rin ako. Bumalik ako sa upuan namin ni Alec. Namamaga ang mga mata ko at hinayaan ko nalang 'yun. Like I can do something about it.

"Are you okay?"

"Alec, sorry. Sumama kasi 'yung pakiramdam ko. Uwi na tayo?" Sabi ko.

Kumunot ang noo nya. "You're eyes are swollen." Aniya.

"Alec-"

"I'm seriously mad as hell to Russell right now. He's just too stupid." Mahinang sabi nya.

"I know." Lumunok ako. "And he will always be." Dugtong ko.

"Ihahatid na kita. You need to rest."

"Okay."

Tumungo-tungo sya sa akin. Ngumiti ako at sabay kaming lumabas nang restaurant matapos nyang bayaran 'yung kinain namin. Nasa loob na ako nang sasakyan nya nang maramdaman ko ang pag-vibrate nang aking cellphone.

Russell:

Go home already.

Nanginig ang laman ko at kahit na namumuhi ako sa kanya ngayon ay hindi ko parin mapigilang tumibok ang puso ko para sa kanya. Damn!

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon