Chapter 45
Parang nabuhay ang dugo ni Daday. Gustong-gusto nya ang pagsasayaw ni Angel. Pakiramdam nya, nakita na nya ang susunod na super star ng grupo. Patakbong lumakad si Angel kay Russell at kaagad itong niyakap sa tuwa ng malaman nyang nakapasa sya. Walang pagdadalawang isip si Daday nang sabihin nyang gagawin nyang visual si Angel kasama ko. Ang ibig sabihin ng visual ay sya ang laging nasa spotlight. Sya ang laging nasa gitna o nasa unahan pagdating sa formation. Karaniwang itinatalaga dito ang pinakamaganda sa grupo o ang pinakamagaling sumayaw.
"You made it. Congrats." Nadinig ko ang nakakakilabot na boses ni Russell habang nakahawak sa bewang ni Angel. Suminghap ako.
"It's all because of you. Thank you. I love you." Ani ni Angel.
Pumikit ako at nagiwas ng tingin. Mabilis kong kinuha ang bag ko at lumabas ng AVR. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang pababa ako ng hagdan. Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko inaagaw ni Angel ang lahat ng sa akin kahit alam kong hindi nya naman sinasadya. Una, si Russell pangalawa, ang spotlight ko sa grupo. Alam kong mali but I hate her at naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong wala syang ginagawang masama sa akin. She's nice to me. Sobrang bait nya at dahil don ay mas lalo akong naiinis.
I want her to be one of those whore that Russell used to date. Gusto kong magalit din sya sa akin. Gusto kong kainisan din nya ako. I want her to be damn bad at me. Sa gayun, meron akong rason para mainis din sa kanya so that I can easily say that I don't like her because of her attitude. Pero hindi. She's not like that. Damn!
"Hey!" Hinawakan ni Alec ang dalawang balikat ko ng halos lagpasan ko sya dahil wala ako sa sarili. Tinignan ko sya.
"H-huh?"
"Are you okay? Tapos na kayo?" tanung nya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumungo-tungo.
"Cory, what happen?" tanung nya ulit.
"W-wala."
"Ayos ka lang?"
"A-ayos lang."
"You don't look okay.." Kumunot ang kanyang noo.
Lumapit ako sa kanya at kaagad syang niyakap. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya dahil alam kong sa ngayon ay ito talaga ang kailangan ko.
"Anung nangyari?" Mahinang tanung nya at niyakap din ako.
"A-alec, ang sakit. Ang sakit-sakit." Nanginig ang boses ko. 'yung luhang kanina ko pa pinipigilan ay walang humpay na tumulo sa mga mata ko. Walang tigil. Mas binaon ako ni Alec sa kanya. Niyakap nya ako ng mas mahigpit. Mas lalo akong naiyak. Bakit 'to nangyayari sa akin? Bakit ako umiiyak sa bisig ng lalaking una kong minahal?
"S-sobra-sobra ko syang mahal, Alec. Pero huli na. Wala na. May iba na. I miss him so damn much. Gusto ko syang bumalik sa akin. Pero may mahal na syang iba." Umiiyak na sabi ko.
"What are you going to do?"
"Gusto ko pang subukan. Isa pa. Isang beses pa." sabi ko.
"Enough is enough, Cory. He's not into you anymore."
Suminghot ako.
"I know. Pero gusto ko paring malaman nya.. gusto kong malaman nya na mahal ko sya. Na nagsisisi ako. Na gusto ko syang bumalik ulit. I want him again, Alec." Sabi ko.
Hindi nagsalit si Alec at pinakinggan lang ako. I don't want him to see me this weak pero wala akong magawa. I have nothing beside me but him. Sa ngayon, kahit na ayaw ko, alam ko sya nalang talaga ang makakapitan at masasandalan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...