Chapter 21
Pinagsawalang bahala ko ang text nya sa akin. Hinarap ko si Alec at pinilit kong sya lang ang pakinggan kasi dapat sya lang talaga ang pakinggan ko ngayon. Dapat sya lang ang nasa isip ko ngayon. Dapat sya lang kasi matagal ko na 'tong pangarap. Kasi matagal ko na 'tong hinihintay hindi ba?
Nakikinig naman ako sa mga kwento nya. Ngumingiti ako sa mga kwento nya pero tila wala akong maintindihan na kahit na ano. Hindi ako mapakali, pakiramdam ko kasi, nasa paligid lang si Russell at in any time na maginit ang ulo nya sa nakikita nya ay bigla nya nalang akong hablutin dito. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit hinihintay kong mangyari 'yun. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, kung kukunin nya ako kay Alec ngayon ay magarbo at willing kong ibabato ang sarili ko sa kanya.
"Your Dad asked me na bantayan ka habang narito ka sa Pilipinas." Napaangat ang ulo ko sa sinabi ni Alec.
"Huh?"
Ngumiti sya.
"He really loves you."
Ngumuso ako. "I know."
"Kaya nga hindi mo dapat sya binibigyan ng sakit ng ulo. We often talked at palagi nyang ikinukwento ang pagpupumilit mong pumunta dito sa Maynila noon."
"I didn't know that you both talked about me behind my back." Ngumisi ako.
"We're just so close." Ngumiti sya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumungo-tungo. Totoo 'yun. Talagang close na close ang Daddy ko at si Alec. Gustong-gusto nya si Alec, kahit nung mga bata pa kami, siguro kasi bata palang kami matured na talaga 'tong si Alec magisip at 'yun ang gusto ni Daddy at 'yun ang ugaling hinahanap nya sa akin. Gusto nya daw kasi na maging katulad ako ni Alec para kapag minana ko ang negosyo namin ay maging successful din daw ako. The thing is, hindi ako tulad ni Alec at malayong-malayo ako sa kanya.
"Pero, bakit nga ba?" tanung nya
"Huh?"
"Bakit nga ba pumunta ka dito? Maganda naman ang buhay mo sa America ah." Aniya. Tinignan ko sya at nakita kong puno ng pagtatanung ang kanyang mga mata. Kinagat ko ang ibabang labi ko. He shouldn't asked me. The answer is obvious by the way.
"Alam na alam mo ang dahilan kung bakit ako pumunta dito." Halos ibulong ko.
"Is it because of me." Aniya.
Kinilabutan ako bigla. "Y-yeah."
"Palagi ka nang nakabuntot sakin bata palang tayo." Natawa sya.
Ngumisi ako. I still remember, nung mga bata pa kami ni Alec, kahit na saan sya magpunta gusto ko andun din ako. Gusto ko syang palaging kalaro kahit na ang cold-cold nya sa akin. Para sa akin noon kahit sya lang ang kaibigan ko ayos lang. Parang wala na akong mahihiling basta nasa tabi ko si Alec. It's just crazy, kasi kahit anung pagtataboy ang ginagawa nya hindi parin ako tumitigil. I just can't stop loving him.
Tumawa din ako. "Oo. Tapos parang aso lang ako kung itaboy mo. Palagi kang galit at iritado sa akin. Naisip ko, ayaw mo talaga akin. Kahit paulit-ulit kong sabihing gusto kita, palagi mong sinasabi na-" Tumigil ako ng mapansing tumahimik sya. Tumigil ako sa pagtawa at tinignan syang nakatingin ng seryoso sa akin. Nagiwas ako ng tingin. Ops. That was supposed to be a joke.
"Do you.. do you still feel the same about me, Cory?"
Inawang ko ang ibabang labi ko at hindi makapagsalita. Parang may kung anung pumipigil sa akin.
"Do you still like me?" tanung nya.
Para akong nahirapan sa paghinga sa tanung nyang 'yun. Bakit ganun? Oo. Gusto ko sya. Oo. Mahal ko sya. Alam ko 'yun. Matagal na. Pero bakit ngayon parang ang hirap-hirap para sa akin ang sumagot ng oo? Bakit?
![](https://img.wattpad.com/cover/26701234-288-k121810.jpg)
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...