Chapter 23
Dali-dali kong sinuot 'yung jacket ko ng makita ang matalim nyang tingin sa akin galing bleachers. Nanginginig pa ang kamay ko habang sinusuot 'yun. Hindi ko alam kung bakit ako nagmamadali. Kinakabahan ako kasi alam kong nanunuod lang sya sa akin. Kasi pakiramdam ko, lahat ng kilos ko alam nya. Kasi pakiramdam ko, lahat ng galaw ko nakikita nya. Parang kahit saan ako magpunta andoon sya.
Ako:
May baon akong damit.
Russell:
Better
Ngumuso ako. 'Better?' yun na 'yun? Nang mag-ring ang cellphone ko ay halos mabitawan ko 'yun. Naexcite ako dahil akala ko sya na 'yung tumawag pero nakita kong si Alec 'yun.
"H-hello?" Sabi ko at nilingon sila sa bleachers. Nakita ko si Alec na nakatingin sa akin habang nasa tenga nya ang kanyang cellphone. Naglakbay ang tingin ko sa tabi nya kung nasaan si Russell. Nakakunot lang ang noo nya at pinapanuod ako. May binubulong sa kanya ang kaibigan nyang si Warren pero hindi na 'yun pinapansin.
"Hi. Nanuod ako. You're amazing."
"Th-thank you, Alec."
"Let's eat lunch."
"O-okay. Kaso diba, may game kayo?"
"We'll eat first before the game."
"I'll go change first."
"Bababa na kami. I'll wait for you there."
"Okay. Thanks." Sabi ko at binaba na ang tawag.
Pagkababa ko ay binilisan ko ang lakad ko para makaakyat kaagad sa fifth floor kung nasaan ang AVR. Kahit na naririnig ko na ang yabag nila sa likuran ko ay hindi ako lumilingon. I know Russell was there. I just don't know. Bakit kahit mga hakbang nya kabisado ko na din?
Madaling-madali ako at pakiramdam ko may humahabol sa akin kahit na wala naman. Halos liparin ko na nga paakyat ng fifth floor. Nang makarating ako doon ay kaagad kong hinablot ang doorknob ng AVR pero nagkasabay kami ni Daday kaya halos mapatalon ako sa gulat.
"Oh my God!" tili ko.
"Anu ba? Bakit ba natataranda ka dyan?" Nakakunot noong puna nya sa akin.
Nilingon ko sya at nakitang nagtaas sya ng kilay. "H-huh?" wala sa sariling sabi ko.
"Para kang ewan. Bakit ka ba tumatakbo, may humahabol ba sayo?" tanung nya.
"Wa.. wala." Hilaw akong ngumisi.
"Alam mo girl ang weird mo!" Aniya.
Sumimangot ako at pumasok na kaming dalawa sa AVR. Kaagad kong nakita ang ilang mga kasamahan ko na nagbibihis doon. Dinampot ko ang bag ko at nakitang ganun din ang ginawa ni Daday.
"In fairness ha. Benta ka kanina. Haba ng hair mo!" Hinila nya ang hibla ng buhok ko habang sinasabi 'yun.
"Anung sinasabi mo dyan?"
"Ikaw na talaga girl! Siguradong madami na namang nahuhumaling sayo dito." Sabi nya sa akin. Umirap ako.
"Stop it. Magbibihis na ako." Tumawa ako at pumasok doon sa may fitting room.
Natataranta akong sinuot ang pantalon ko at blouse. Hindi ko maintindihan kong bakit pero parang hinahabol ng kabayo ang puso ko. Sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang mga tingi ni Russell sa akin kanina para akong kinikilabutan na ewan. God, anu ba 'to?
Umiling-iling ako at mabilis na nagbihis pagkatapos ay di na nagabala pang tanggaling ang make-up ko. Mabuti nalang talaga at nagdala ako ng extra damit dahil naka shorts lang ako kanina. Lumabas ako ng fitting room at inayos ang gamit ko. Niyaya akong kumain nila Daday pero tumanggi ako at sinabing kakain kami ni Alec. Inasar pa nila ako pero pinagsawalang bahala ko nalang 'yun.

BINABASA MO ANG
Wicked
RomansaCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...