Chapter 64

3.8K 114 5
                                    


Chapter 64

Niyakap ko kaagad ang sarili ko ng makalabas doon sa venue. Malamig ang simoy nang hangin dahil maggagabi na. Maingay din ang paghampas ng tubig dahil nasa resort na kami. Dinilaan ko ang labi ko at nagmamadaling bumaba sa hagdan para pumunta doon sa tabing-dagat. Nawala na rin sa likuran ko si Russell. Siguro ay hindi nya talaga ako sinundan. Baka sa iba sya nagpunta. Mabilis akong naglakad doon sa buhangin. Nang umalon ay natamaan ang paa ko ng malamig na tubig galing sa dagat. Napatili ako at muling tumakbo palayo doon dahil nabasa ang sandals ko at ang laylayan nang aking dress.

Yumuko ako at pinagmasdan ang dress kong basa na ang laylayan. Kaya naman hinubad ko nalang ang sandals ko at binitbit 'yun. Inangat ko ang dress ko hanggang tuhod at tsaka naglakad sa tabing dagat. Nakikiliti ako sa lamig ng tubig pero nagawa kung indahin 'yun. Pumikit ako at dinama ang simoy ng hangin sa mukha ko nang makarinig ako ng ilang ulit na pag-click ng camera. Napadilat ako kaagad at napalingon sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko ng makita si Russell doon na matipunong nakatitig sa akin habang kinukuhaan ako ng litrato.

"Anung-"

"Beautiful." Aniya.

Lumingon ako at nakita sa likuran ko ang papalubog nang araw. Kumunot ang noo ko at napaisip. Ako ba ang kinukuhanan nya ng litrato o ang paglubog nang araw sa likuran ko?

"What are you doing here?"

Pumungay ang mga mata nya.

"To get fresh air?" Patanung na sabi nya.

Nagiwas ako ng tingin at muling nagsimula sa paglalakad. Humabol sya sa akin. Nilingon ko sya.

"What?" singhal ko.

"Where are you going?"

"Why are you asking?"

"Masama na rin bang magtanung ngayon sayo?"

"Don't talk to me."

"Why are you so mad?"

"Sinong galit? Hindi ako galit." Sabi ko at mas binilisan ang aking paglalakad pero nakasunod parin sya sa likuran ko. Naiinis na nilingon ko sya.

"Nagaasar ka ba?"

"What? No! I just want to get some fresh air. I have no intention to follow you. Dito lang naman din ang punta ko. Saan pa ba ko pupunta eh dito lang naman may preskong hangin." Aniya.

Ngumuso ako at hindi na sumagot. Tumalikod muli ako at nagsimulang maglakad habang pinagmamasdan ang paa kong basang-basa nang tubig.

"Have you been well?" tanung nya maya-maya.

"None of your business."

"Ouch." I heard him chuckled.

Lumingon ako sa kanya. Nang makita nyang nakatingin ako ay inalis nya ang tawa sa kanyang mukha at diretsyo akong tinignan. Umihip ang malakas na hangin. Parehas na hinangin ang buhok naming dalawa. Kumalabog ang dibdib ko at naramdaman kung gaanu ko talaga sya ka-miss. Nung araw na muli ko syang nakita nabuhay ulit lahat ng pag-asang meron ako. Lahat ng pag-asa na baka magkaroon pa kami ng second chance na dalawa. I waited for him. Damn it. Hanggang ngayon. Up until now naghihintay parin ako.

"Why are you staring at me?"

Tinagilid ko ang ulo ko at lumunok.

"Why are you here again?"

Natawa sya. "Because of the wedding-"

"No. Here. In front of me again. Why are you here?" Putol ko sa kanya.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon