Chapter 52
Ngumisi ako at tinalikuran sya bago nagsimulang maglakad palayo. Dinilaan ko ang ibabang labi ko habang pinipigil ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo galing sa mga mata ko. Paulit-ulit na nageecho sa isip ko ang mga sinabi nya. I don't get him! I don't fucking get him! Kung talagang mahal nya ako bakit hindi nya ako magawang piliin? Damn!
"Cory!" Narinig ko ang pagtawag nya sa akin pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.
"Cory Jane!" sigaw nya ulit pero pumikit lang ako at hindi na sya pinansin.
Suminghap ako at lumunok. Makakalimutan din kita. Makakalimutan din kita, Russell. In time, lahat ng nararamdaman ko sayo alam kong mawawala din. Alam kong pagdating ng araw magagawa ko ng tuluyang kalimutan ang lahat. Mapapalitan ka rin. Mapapalitan ka rin dito sa puso ko.
Nagpatuloy ang buhay estudyante ko. Hindi katulad noong mga nakaraang sem ay di hamak na mas nageexcel ako ngayon. Siguro dahil nagfofocus narin ako sa pagaaral. Gusto ko na rin kasi talagang makatapos.
"Looking good, huh?" Ngumisi ang pinsan kong si Az sa akin habang sinisilay akong nagrereview ng aking mga notes.
"Pinagsasabi mo?"
"What I'm talking about is, bumabalik na 'yung ganda mo. It's not like I'm saying that you're not pretty. You're so damn pretty kaya. Kaya lang ngayon bumabalik na 'yung glow mo." Aniya.
Umirap ako. "Stop it Az. Tigilan mo ako." Sabi ko.
"Any progress? Sa inyo ni Russell?" Aniya binalingan ko sya ng tingin.
"Will you please stop?"
"Galit again? Easy. I just want to ask. You seems so in love with him." Aniya.
Hindi ako nakasagot. Yes, very much.
"Stop talking about him, Az."
"Sorry na okay? Hanggang ngayon parin kasi hindi ako makapaniwalang talagang nainlove ka sa kanya. Way back, alam ko kung gaanu mo sya kinamumuhian." Aniya.
Tinitigan kong maigi ang notes ko ng dahil doon. Parang nakikita ko kung paanu ko ituring si Russell doon. Noon, talagang kinamumuhian ko ang bawat detalye ng pagkatao nya hindi tulad ngayon, maski ang marinig ang pangalan nya ay nagpapalakas na ng tibok ng puso ko.
"Eh, sa inyo ni Alec?" Aniya.
Ngumuso ako.
"We are friends."
"Friends lang? Boring naman." Nagkibit-balikat sya.
"Az, 'yung sa amin ni Alec tapos na 'yun. Wala na." Sabi ko.
"Eh, bakit hindi pwede? Don't you remember how you used to love him before? Kung saan-saan mo nga sya hinahabol-habol. Bakit ngayon hindi na pwede? Malay mo naman, matutunan mo ulit syang mahalin at kapag nangyari 'yun edi maganda diba? Everything will be normal again." Aniya.
Sana nga ganun lang kadali 'yun. Sana nga ganun lang kadaling ibalik ang lahat sa normal. Kung kaya ko lang sanang gawin 'yun. Kung may kakayanan lang sana ako edi sana matagal ko ng ginawa para hindi ako nahihirapan ngayon hindi ba?
"Cory! Ito na 'yung copy mo ng handouts natin sa Englo08." Sabi ni Erika ng nakasalubong nya ako sa hallway ng school. Ningitian ko sya.
"Salamat, Erika."
"Oh sige, see you around. E-mail mo sa akin 'yun essay mo ha? Don't forget." Aniya.
"Okay, I will. Thanks." Sabi ko at isinuksok na 'yun sa loob ng bag ko.
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...