Song used:
Wish i may by Alden Richard
--
Chapter 15
Wala kaming imikan habang nasa loob nang kanyang mamahaling Fortuner. Manigas sya! Hindi ko talaga iimikin. Nilabas ko nalang ang headset ko at nakinig nalang ng music dahil sa awkwardness. I really don't know what this guy is up to. I can't believe he's seriously in love with me. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ganito nya ako kamahal to the point na pumapayag sya sa ganitong set-up. Wait, wow huh? I can't believe I'm saying this. Hindi din ako makapaniwala na ganito ko kamahal si Alec at pumapayag din ako sa ganitong set-up namin ni Russell, makuha ko lang sya. Tss. Ibig sabihin, both of us, Russell and I are really miserably have this one sided love.
Nang ihinto nya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin dito sa isang kilalang subdivision at kaagad kong kinuha ang bag ko at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Walang paa-paalam. Diretsyo akong lumabas pagkatapos ay kaagad na pumasok ng gate. Ni, hindi ko manlang sya pinagbigyang magsalita o hindi ko manlang sya nilingon. Nagmamadali ako at halos mangatog ang aking tuhod. Ewan ko kung bakit, para akong hinahabol kahit na hindi naman. This is really insane!
Nang buksan ko ang pintuan at kaagad na bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Azariah. Nakaatras ako at napatalon sa gulat.
"OH GREAT GOD! Azariah naman!" sabi ko at napahawak pa sa dibdib ko.
"You look tense. Something happen?" Taas kilay na tanung nya sa akin. Sarcastic.
"Nothing okay?"
"Where have you been?"
"Kay.. Russell.."
Nahuli ko ang pagrolyo ng mata nya sa akin.
"You're really crazy."
"I thought we already talked about this-"
"I know, sinasabihan lang kita. I don't trust that guy."
"I don't trust him too."
Natawa sya. "Oh really? You don't trust him but you're living with him?"
"Kasi nga for Alec." Sabi ko at nilapag ang bag ko doon sa sofa.
"Whatever. Hindi ko na talaga alam sayo."
"Improving naman. Tignan mo, Next week. Alec and I, will date. Like her promised. Diba?" Nilingon nya ako.
"For real?"
"Yeah. For real. Talagang-talaga. Excited na nga ako eh. Syempre, pagkatapos nun, tuloy-tuloy na. Hindi naman 'to matatagalan. Kapag na-inlove na sa akin si Alec, then, this ends.. hanggang doon nalang." Nakangising sabi ko.
I mean it. 'yun naman talaga ang plano ko at 'yun din naman ang nakapagusapan naming dalawa. Pagkatapos nang lahat, kapag kami ni Russell, syempre mababaon na 'to sa limot. Wala na. Tapos na. Ganun lang. This is all pretending.
Nung naggabi na ay panay ang text sa akin ni Russell pero hindi ko sya nirereplyan. Ewan ko kung bakit. Parang ayaw ko syang makita na hindi ko maintindihan. Nahihiya ako? Hell no! Bakit ako mahihiya sa kanya? Tss. Ewan ko ba, parang ayaw kong makita muna sya. Ang problema, syempre, lunes na bukas at sa bahay nya na naman ako matutulog.
"Siguraduhin mong papasok ka sa klase mo ah." Banta sa akin ni Azariah ng makapasok kami sa gate nitong University.
"Oo naman! Anung akala mo sa akin?"
"Naninigurado lang ako." Natatawang sabi nya.
"Oo na. Sige, bye na!" sabi ko at naghiwalay na kami dahil magkaibang building ang pupuntahan namin.
BINABASA MO ANG
Wicked
RomantizmCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...