Chapter 33
Galit na galit ako. Literal na nanginginig ako sa galit. Bago ako umuwi nang bahay namin ni Azariah ay dumaan muna ako sa Mercury para lang bumili nang limang Pregnancy Test. Oo lima. I need to check myself because I knew every time we did 'it' he didn't used protection. Even once. Umuwi ako ng bahay at nagkulong sa kwarto ko. Limang Pregnancy Test ang ginamit ko. Sabay-sabay. Umupo ako nang matagal sa toilet bowl habang naghihintay nang resulta. Hindi ko alam kung anung nararamdaman ko. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Naisip ko, what if it's positive? Anung gagawin ko?
Tumayo ako at tumingin sa lababo para tignan kung anung lumabas na resulta. Kinagat ko ang ibabang labi ko at napapikit habang nakatitig sa mga Pregnancy Test na puro negative ang resulta. Para akong nakahinga nang maluwag. Kinuha kong lahat 'yun at tinapon sa basurahan. Humarap ako sa salamin at tinitigang mabuti ang sarili ko.
Now, it's over Cory. You can finally start again. You need to start again. Without that damn asshole in your life.
Lumabas ako nang banyo at nagdesisyon na magbagong buhay na. I don't want Russell in my life again. He needs to learn. Mahal ko sya pero mas mahal ko ang sarili ko. Hindi ako papayag na paglaruan lang ng ganito. I am sure, mawawala din ang nararamdaman ko para sa kanya like how my feelings fade for Alec.
Ilang araw na rin ang lumipas pagkatapos noon. Bumalik ang buhay ko sa normal katulad ng dati. Nagpalit ako ng numero para lang maiwasan ko ang mga text at tawag ni Russell sa akin. Pagkatapos ng klase, halos tumakbo kaagad ako sa sakayan ng Fx para lang hindi sya maabutan. Hindi ko na din sya nakikita. Even his friends and I don't want to see him too kahit na miss na miss ko sya.
Alec:
Lunch?
Ngumuso ako at kaagad syang nireplyan.
Ako:
Sorry. May gagawin ako for finals eh. Maybe next time?
Palagi nalang ganun ang sagot ko sa kanya tuwing tinatawagan o tinetext nya akong kumain kami o magkita. Hindi ko rin alam kung bakit ko sya iniiwan. Pagkatapos ng nangyari noong kumain kami sa Mall at sa pagsabi nya sa akin sa tungkol sa lahat ng planu ni Russell ay hindi na ako nakikipagkita sa kaya. I distant myself to him at alam kong nahahalata nya na rin 'yun. Alec is not stupid. He's the most intelligent person I know and by now, alam kong alam na nya na umiiwas ako.
"M-manong." Nanginig ang boses kong kinalabit ang driver ng taxi na nasakyan ko.
"Yes, ma'am?"
"B-balik po tayo. Sa Brittany Subdivision po."
"Ah. Hindi po ba dito sa Queenstown?"
"Sorry, manong. Nagkamali ako." Sabi ko at kinagat ko ang ibabang labi ko.
Damn. Ilang beses na bang nangyayari sa akin ito? Palagi nalang akong nagkakamali at imbes na ang subdivision na tinitirahan namin ni Az ang uwian ko ay palagi ko nalang nasasabi ang tinitirhan ni Russell. Damn! Mukhang alam na alam ng systema ko kung saan ko gusto umuwi ah.
"What's happening to you?" tanung nang pinsan kong si Az sa akin nang maabutan nya akong nasa kwarto lang at nagkukulong.
"What are you saying?"
"Asan na ang social life mo? Palagi ka nalang nakakulong dito sa loob ng kwarto mo." Aniya.
"Tinatamad lang talaga ako maglalalabas ngayon."
Natawa sya.
"Oh? Really? Ikaw? Tinatamad lumabas? Hindi ako makapaniwala." Umiling-iling sya.
"Wala lang talaga ako sa mood ngayon, Az."
BINABASA MO ANG
Wicked
RomanceCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...