Chapter 69

4.3K 134 8
                                    


Last one chapter!

--


Chapter 69

Halos tumalon na ang puso ko saking dibdib nang dahil sa kaba. Kunot-noo si Daddy habang pinagmamasdan sa harapan nya ang cool na cool lang na si Russell. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko dahil kung anu-anu nang tumatakbo sa isipan ko. I badly need to come up with a good excuse about us getting caught in my room.

"Who is he?" Matigas ang tono ng boses ni Daddy habang pinapasadahan ng tingin si Russell mula ulo hanggang paa.

"Dad.. my.. hmmm." Nagkamot ako ng ulo. "My boyfriend, Russell." Sabi ko.

Nalaglag ang panga ni Daddy habang nakatitig sa akin. Mukhang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.

"Good afternoon, sir." Naglahad ng kamay si Russell pero hindi 'yun tinggap ni Daddy. Naiwan sa ere ang kamay ni Russell.

"I want you two in the living room in five minutes." Aniya at tinalikuran kami.

Napasabunot ako sa ulo ko pagbaba ni Daddy ng hagdan. Nilingon ko si Russell at nakita kong kalmado lang sya.

"Why are you so calm?" natatarantang tanung ko.

"Your Dad seems nice." Ngumiti pa sya. Tarantado talaga.

"Nice? You just gave him a bad impression!" Sabi ko

His eyebrows frowned.

"Why? I didn't do anything." Nagkibit-balikat sya.

Gee, Russell!

"Russell, hindi mo kilala si Daddy kapag galit sya. He just.. just saw you walking out in my room half naked! Dapat kasi nagstay ka nalang doon at hindi kana lumabas."

"You want to hide me?" Kunot noong tanung nya.

"Hindi naman sa ganun, pero kasi.." Tumigil ako at tinignan sya.

"Don't worry, okay? I'll just get a shirt tapos bababa na tayo." Aniya.

Tumungo-tungo ako at kinagat ang ibabang labi ko. Nagbihis kaming dalawa ni Russell ng matinong damit pagkatapos ay bumaba na. Nasa salas si Daddy at nagkakape. Ngumuso ako. He looks so damn pissed.

Umupo kaming dalawa sa sofa sa tapat nya. Pinagpapawisan ang palad ko sa kaba. Anung kayang tumatakbo sa isip ng Daddy ko ngayon? This is bad, really bad.

"D-dad, bakit hindi mo sinabi sa akin na ngayon hapon pala ang uwi mo. Sana nasundo kita." Panimula ko.

Ibinaba nya ang tasa ng kape nya at tinignan ako.

"I wanted to surprise you. Pero ako ata ang nasurpresa." Aniya.

Tumikhim ako. Bumaling si Daddy kay Russell.

"What's your name?" Malalim na tanung ni Daddy.

"My name is Russell, sir. Russell Riley Hernandez."

"Are you related to Mr and Mrs. Matilda and Roderick Hernandez?"

"My Grandparents, sir."

"So who are your parents? Elizabeth? Rooney?"

"The eldest, John Eric Hernandez."

Sumimsim si Daddy ng kanyang kape.

"He's a good man."

Tumungo-tungo si Russell at ngumiti.

"Yes he is."

"So I assume that you are the eldest Hernandez of the second generation, am I right?"

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon