Chapter 54

3.6K 115 43
                                    


Chapter 54

Hindi na ako naligo pa at humulukipkip nalang doon. Mula sa kinauupuan ko ay nakikita ko ang nagsasaya silang lahat habang naliligo parin sa Falls. Bumuntong-hininga ako at gusto ko nalang matapos ang lahat ng ito. I want to go home already.

Nang magtagpo ang mata namin ni Alec ay nakita kong nagpaalam sya kila Jacob at umahon doon sa Falls. He's dripping wet as he walk towards me. Pinagmasdan ko lang syang pinapasadahan ang buhok nya habang half-naked na nakangisi sa akin.

"Hey." Sabi ko

"Hey. Bakit hindi ka naliligo?" tanung nya.

Inabot ko sa kanya 'yung tuwalyang nasa gilid ko.

"Thanks." Aniya.

"Hm. Malamig eh." Pagsisinungaling ko.

"Malamig talaga ang tubig sa falls na 'to. But I'm pretty sure you can tolerate." Aniya

Umiling ako

"Later nalang ako."

"Somethings wrong?"

Umiling ako.

"Wala." Ani ko.

"Do you wanna go to the hot spring instead?" tanung nya sa akin.

"Ok lang ba kung tanung dalawa lang? What about them?" Sabi ko at nilingon 'yung mga kasama namin.

"Of course it's okay. Hayaan mo na sila." Aniya at inilahad ang kanyang kamay sa harapan ko.

Nagalinlangan pa ako nung una dahil kami palang ang pupunta doon. Pero di kalaunan ay pumayag narin ako. Tinanggap ko ang nakalahad nyang kamay sa akin at sabay kaming naglakad papunta doon sa hotspring.

"Look, I know, naiilang ka." Aniya.

Nilingon ko sya.

"Hindi naman."

"I know you are. I'm sorry if I forced you t-"

"Alec, hindi. Hindi mo ako pinilit. Gusto ko rin naman pumunta dito kaya wag ka ng magalala. Infact, we are going back tomorrow so it's okay." Sabi ko.

Tumungo-tungo sya at sabay naming tinanaw 'yung malaking hotspring.

"Wow." Sabi ko at pinasadahan 'yun ng tingin.

"First time na nakita ko 'to hindi pa 'to ganito kaganda." Dinig kong sabi nya.

Nilingon ko sya.

"I didn't regret coming here after all." Ngumisi ako at sinundan ng tingin si Alec na lumulublob na doon sa hotspring.

"This feels great!" Lumakas ang boses nya. Natawa ako at dahan-dahang umapak doon sa hagdan.

"Ang init." Natatawang sabi ko.

Nilingon ko si Alec at nakitang nakangiti lang sya habang pinagmamasdan ako. Uminit ang pisnge ko at nagiwas ng tingin.

"Why don't you take off your shirt? Bawal kaya yan dito." Aniya.

Tinignan ko ang sarili ko at narealized na naka t-shirt nga ako. Nakita ko rin ang sign doon sa gilid na bawal nga 'tong suot ko.

"A-alright." Sabi ko dahan-dahang hinubad 'yun.

Isinantabi ko ang hiya ko dahil unang-una, dapat ay hindi ako nahihiya kay Alec. Oh God, of all people? Not Alec.

"Come here." Aniya at inabot ang kamay ko. Nagpatinaod ako at lumapit sa kanya.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon