Chapter 27

3.2K 92 5
                                    

Chapter 27

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang sandali syang lumayo sa akin. Pakiramdam ko, pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Hindi ko na kaya. Parang sasabog na ang puso ko. Sobra ang pagwawala ng mga insekto sa tiyan ko, pakiramdam ko mas lalo silang dumarami. Nakakapangilabot. Para akong nanghihina. Alam kong hindi tama ito, nagtataka ako kung Kaylan pa nagkaroon ng mga sundalong pinamumunuan ni Russell sa loob ng tiyan ko.

"Cory.. I love you." Bulong nya sa tenga ko.

Pumikit ako.

"I love you." Idinikit nya ang ilong nya sa pisnge ko.

"I love you." Paulit-ulit nyang bulong sa akin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at yumuko. Nayayanig ang buo kong pagkatao. Unte-unte nararamdaman kong parang susuko na ako. Pakiramdam ko, hindi magtatagal, tatanggapin ko na rin ang pagkatalo ko.

"I-I know, h-hindi mo kailangang ulit-ulit sa akin." Nangangatal na sabi ko.

"Uulit-ulitin ko sa sayo hanggang sa matandaan mo at umabot sa puso mo." Aniya.

Hindi ako sumagot. Nang kunin nya ang kamay ko at ipagsalop sa kanya at tinignan ko 'yun.

"When will my feelings reach you, Cory? Wala pa rin ba akong puwang sa puso mo?" tanung nya sakin.

Inawang ko ang bibig ko at natakot na tignan sya. Hindi ko na nasundan kung anu ang nangyari sa palabas na pinapanuod namin. Wala na akong maintindihan na kahit ano. Wala ng laman ang isip ko kundi si Russell nalang. Parang hindi na nag fu-function ng mabuti ang utak ko. Pakiramdam ko, may iilang turnilyo na nawala at parang nadis-align ata ang puso ko kaya ko 'to nararamdaman. Feels like I want to regain my old self pero di ko na kaya. Parang di ko na magagawa. What's happening to me? The last time I check, si Alec pa ang laman nang buong systema ko, pero ngayon ay hindi na.. ngayon ay iba na kasi, pakiramdam ko sinasakop na ni Russell ang buo kong pagkatao. Pakiramdam ko, ang buong systema ko si Russell na ang gusto.

Wala na akong imik ng lumabas kami ng sinehan. Pinagpawisan ako ng malamig nang hawakan ni Russell ang kamay ko. Now, I feel so uneasy. Not because of him but because of my feelings. I know, something's wrong. May mali sa nararamdaman ko at gulong-gulo na ako. My mind says it's Alec but my heart.. telling me that it's him. Oh my God! It's Russell!

"It's still early. Anung gusto mong gawin?" Tanung nya hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Nagangat ako ng tingin sa kanya. Lumunok ako pagkatapos ay halos hindi matagalan ang tingin nya kaya nagiwas ako ng tingin. Really? Cory? What's wrong with you?

"Uhm.."

Yumuko ako.

"You alright?"

"Yeah." Nagiwas ako ng tingin.

"Are my feelings bothering you?" Mahinang tanung nya.

Suminghap ako at nagangat ng tingin sa kanya. Nakatingin din pala sya sa akin. Matalim ang mga mata nya at nangungusap ito. I don't know Russell, kasi noon, hindi naman. Hindi naman. Ngayon lang. Tinatanung ko rin ang sarili ko kung bakit, but later on I realized, is it because I'm beginning to be aware of my own feelings too?

Umiling-iling ako.

"Alam ko gago ako, babaero at walang kwentang tao. Pero totoong mahal kita." Aniya.

Lumunok ako.

"I said, I know that."

"If only you.. you would consider my feelings." Bulong nya pero dinig ko parin.

"Why are you saying this now?"

"Because I'm starting to lose hope. Malapit nang matapos ang isang buwan. There's only one week left."

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon