Chapter 59
Mahaba ang naging paguusap namin ni Alec. Nalaman kong narito na pala sya sa America isang taon na rin ang nakakalipas. Sumunod pala ang loko sa akin isang buwan matapos kong umuwi rito. Kumuha sya ng short course dito bilang preparation sa pagta-take over nya nang business nila. This freaking asshole! Halos isang taon na rin pala syang narito hindi manlang nagparamdam.
"I told you I was in LA. At kaya hindi ako nagparamdam sayo kasi nga ayoko ng distractions." Aniya
Tumaas ang kilay ko.
"At distraction ako sayo ha? Ganun?"
"No. I mean. Kasi, kung makikipag communicate ako sayo, I'm sure, hindi ko matitiis na hindi ka makita."
"Che! Ang sabihin mo kinalimutan mo na talaga ako."
Natawa sya.
"Well, I wish I could." Mahinang sabi nya.
Napatigil ako at kaagad na tumingin sa kanya. Tumigil din sya at bumaling ng tingin sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Wag ka ng magtampo okay? Nagpakita na nga ako sayo eh. Infact, tapos na rin 'yung course na kinuha ko. We can be together again. Kaya lang mukhang busyng-busy ka na talaga." Aniya.
Ngumiti ako.
"I'm busy with the business but I can make time for you. Hindi katulad mong isang taong hindi nagparamdam porket nagaral lang-"
"Okay fine. Kasalanan ko na." Natawa sya. "How are you? You look damn pretty now."
"Hindi ba ako maganda dati?"
Ngumisi sya. "Maganda. Pero mas maganda ka ngayon."
Nagkibit-balikat ako.
"Well, I think maturity hits me.. hard." Natawa ako.
"I think so too. Any plans? Do you wanna go back?" tanung nya.
"Where?" sabi ko at uminom nung kape na binili namin sa Starbucks. Chineck ko 'to kanina. Wala namang daga. Lels.
"Philippines." Biglang sabi nya.
Kamuntikan na akong maubo nang dahil doon.
"Go back where?"
"Are you deaf? Sabi ko sa Pilipinas."
Kaagad akong umiling.
"No. Not yet." Sabi ko
"Why?"
"M-marami pa akong responsilidad dito. I can't leave Dad."
"Is that the reason why?"
"Yes! Kaya ako nandito para sundin naman ang gusto ni Dad. Ilang taon nyang kinunsinti ang kagustuhan kong tumira sa Pilipinas. Ngayon, it's time para ang gusto nya naman ang sundin ko at 'yun ay ang patakbuhin ang aming business."
"Are you sure na yaw mo nang bumalik?"
"Hm. Hindi sa ayaw ko NANG bumalik. Ayaw ko PANG bumalik, Alec." Sabi ko.
"I wonder kung yan ba talaga ang gusto mo. Well, you are far different from the Cory na nakilala ko. Responsible and mature ka na ngayon hindi katulad ng Cory noon. Carefree and wild."
Natawa ako.
"Wild?"
"Yeah. Wild. Dangerously wild." Natawa din sya.
Pinandilatan ko sya.
"Tss. Let's not talk about it and please. Just drink your coffee." Sabi ko at inirapan sya.
BINABASA MO ANG
Wicked
RomansaCory Jane G. Aquino loves Alec Sebastian Montenegro since kids. Mga bata palang sila ay pinangarap nya na ito. Kumbaga, maaga syang namulat sa katotohanan nang pag-ibig na kung hindi mo ipaglalaban ang gusto mo at kung hindi ka susugal ay hindi ka m...