Chapter 65

4.2K 108 2
                                    

Chapter 65

Halos patakbo kaming pumunta sa kotse nya. Pumasok kami sa loob at mabilis na pinaandar nya 'yun. Nakaawang ang bibig ko ng dahil sa hingal sa pagtakbo namin. Natatawang iniliko nya ang sasakyan at inilabas ng resort. Nanlalaki ang mata kong binalingan sya ng tingin.

"What do you think you're doing?" tanung ko.

"We're escaping!"

"What? Are you crazy? Stop the car!" Sabi ko at kinurot ang braso nya.

"Ouch!" Natatawang hinimas nya 'yun.

"Ihinto mo sabi!" sabi ko at panay parin ang kurot sa kanya.

"Ouch. Masakit na ha!" Angal nya habang hinihimas ang kanyang braso.

"Kasal ng pinsan ko kailangan ako doon!"

"You already did your part. Inasikaso mo na sila kanina. Pwedeng ako naman ngayon?" Aniya at binalingan ako ng tingin.

"What are you saying?"

"You were smiling to every damn person in that party pero ako ni isang tingin hindi mo manlang mapagbigyan. I was watching you every damn time I know you're aware of that pero hindi mo ako nililingon. Patay malisya ka lang. You're really good at making me feel trash, Cory. I'm so pissed." Aniya.

Inawang ko ang bibig ko at may sasabihin sana pero nalunod na ako sa malalim nyang titig kaya hindi ko na nagawa. Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Tss.

Mabilis ang patakbo ni Russell dahil sobrang luwang naman ng kalsada. Panay ang tanung ko sa kanya kung saan kami pupunta pero hindi nya naman ako sinasagot kaya hinayaan ko nalang sya. Nakatulog ako sa biaje dahil sa sa antok na sa pagod sa pagaasikaso ng kasal ng pinsan ko at nang mamulat ako ay gulat na gulat ako nang makitang naroon na kami sa tapat ng kanyang bahay.

Kumurap-kurap ako ng marealized na nasa Maynila na nga kami. Damn it!

"What the?"

"Welcome home!" Nakangising sabi nya.

Kamuntikan ko ng syang masapak. Walang hiya talaga 'tong lalaking 'to!

"Anung- Bakit mo ako inuwi dito sa bahay mo?"

"Bahay natin." Pagtatama nya.

"Anung bahay natin?"

"Bakit? Eh, dito ka naman talaga nakatira in the first place." Aniya.

"Russell! Hahanapin nila ako!" Sabi ko.

Ngumuso sya sa harapan ko.

"They're busy with their businesses. It's fine."

"Pero-"

"No more questions. Let's go?" Aniya at kinuha ang kamay ko.

Wala na akong nagawa kundi ang magpatinaod na sa kanya papasok sa loob ng bahay nya. Tatlong bagay lang ang narealized ko nang makapasok kami doon. Una, wala akong dalang kahit ano. Naiwan ko ang bag ko doon sa reception at naroon ang lahat ng gamit ko pati ang aking cellphone kaya hindi ko matatawagan sila Az. Pangalawa, kung gaanu ko na-miss ang bahay na 'to at ang pakiramdam na narito ako. Lahat ng ala-ala naming dalawa ni Russell ay narito at parang niyayakap ako ng lahat ng 'yun. At pangatlo, Damn it! Kaming dalawa lang ni Russell dito. Anu bang iniisip ng taong 'to? Being alone with him in this big house of his is dangerous.

"Wet." Sambit nya.

Kaagad ko syang nilingon.

"Ha?"

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon