Kabanata 3

112 3 0
                                    

Hide

"Mommy will be home before five, baby. Aunt Maxim will take care of you for the mean time, okay? You should behave." Paalam ko kay Zick nang humabol ito sa 'kin bago ako umalis.

Mabuti na lamang ay maagang dumating si Maxim sa bahay para bantayan muna si Zick habang wala ako. Kagabi ko pa ito sinabi sa kanya and she told me that she's happy to be a babysitter of Zick. Akala ko ay hindi na siya magbabago pero nagulat ako nang makita ko ulit siya after so many years.

She's now continuing her passion which is dancing and I'm happy for her. Dati kasi ay takot siyang ipaalam kina Uncle at Auntie ang ginagawa niya dahil ang nasa isip niya ay hindi siya nito susuportahan.

"I know, Mum. I will miss you. Please, be home agad . . ."

Muntik na akong matawa dahil sa huling sinabi niya. He's now learning some tagalog words dahil tinuturuan na ulit siya ni Calix pag wala itong ginagawa. Nasanay kasi itong nakakarinig ng English dahil iyon ang dialect sa States, of course. I didn't bother to teach him some of it dahil hindi ko naman akalain na uuwi kami ng Pilipinas.

"Take care, Mommy." Dagdag pa nito at yumakap sa 'kin nang mahigpit.

Pagkatapos niyang gawin iyon ay pumasok na siya sa loob, saka naman ang paglabas ni Maxim.

"Hindi ka ihahatid ni Calix?" She asked and handed me a tumbler of water.

"May importanteng meeting with their regular clients. Ikaw na muna bahala kay Zick, a. Thanks, Max," I told her.

Tinanguan lamang niya ako kaya nagpaalam na ako. I am so early! Hindi na ako sanay gumising nang ganito kaaga dahil wala naman akong ibang pinagkakaabalahan bukod sa panaka-nakang pagkanta sa mga mini bar doon. It wasn't my job, actually. Kuya Roy suggested it before dahil kailangan ko talaga ng libangan bukod sa pag-aalaga kay Zick. Ilang buwan kong ginawa iyon hanggang sa umabot ng taon dahil sa nagugustuhan ko na. Nahinto lamang no'ng nagsisimula nang mag home school si Eizickiel dahil madalas ay ako ang nagtuturo sa kanya.

Exactly 8AM nang makarating ako sa company. Dumiretso ako sa office ni Uncle Raul at naabutan ko na naman doon si Levi kaya nagtaka na ako.

"Akala ko ay nasa farm ka? Bakit lagi kang nandito?" Salubong ko sa kanya nang makapasok ako.

I sat down in front of him and Uncle Raul. Hindi ako tinapunan nito ng tingin at nanatiling nakatingin sa cellphone niya. Nakakunot pa ang noo. He's ignoring me now?

"I'm here to help you," aniya kaya napatingin ako kay Uncle Raul.

"I thought he's not available dahil may problema sa Tierra Fima?" I asked Uncle.

Ibinaba nito ang black na folder na kanina pa nasa harapan niya saka inayos ang salamin niya.

"I can handle, Acel." Dinig ko pang dagdag ni Levi kaya natawa ako.

"Be ready dahil ilang minute lang ay magsisimula na ang meeting. Do you have any presentation?" Uncle asked kaya namilog ang mga mata ko.

"Akala ko ay ipapakilala niyo lang ako. I didn't-"

"It's fine. I was just asking." He cut me off and chuckle.

Napairap ako sa kawalan dahil sa ginawa ng matandang ito. Palibhasa ay hindi nila alam kung gaano naghuhurumentado ang kalooban ko ngayon sa sobrang kaba dahil sa mga mangyayari. Kahit alam kong kaya ko ay nagdadalawang-isip pa rin ako sa kakayahan ko dahil matagal na mula no'ng huli kong ginamit ang utak ko. Sana ay hindi pa nauubos ito.

We talked for a minute and after that, we went to the conference room para sa gaganaping board meeting. Nang makapasok ako ay lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ko nang makita ko ang lahat maging si Lolo Samuel. Pakiramdam ko ay para na akong lilitisin.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon