Kabanata 57

59 1 0
                                    

Threat

Napapikit ako nang sumalubong sa akin ang malamig nahangin. Niyakap ko sa katawan ang robe na suot ko at nanatiling nakatayo sa balcony ng kuwarto namin. It was exactly 2:45 AM when I woke up from a nightmare again. Halos mawalan ako ng hininga nang magising ako dahil sa matinding pag-iyak. I was crying in my dream and also in reality. Isa sa pinakamasakit na araw-araw na pangyayari sa buhay ko.

I looked up the sky and saw the full moon. Napangiti ako nang maalala ko ang mga sinabi sa 'kin ni Kiel nang gabing iyon. Now I know the reason why he said those things to me. Alam ko kung gaano namin kamahal ang isa't isa at noon pa man, ramdam ko na iyon kahit ilang beses niya akong pinagtabuyan noon. What happened before, it cannot be undone, but you can still replace it with a new one. I just don't know how. Dahil nalaman ko sa doktor ko na bumalik na naman ang anxiety at PPD ko. Hindi ko nga sigurado kung umalis ba sila sa 'kin.

I gasped an air when I felt like crying again. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko at napakasakit no'n. I feel really empty. Na kahit pilitin kong maging masaya ay darating 'yong mga gabing sasabog na lang ako bigla at malulunod sa kalungkutan. I don't want to stay in this situation. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Namimiss ko sila Daddy. Namimiss ko ang pamilya ko.

"Hey . . ." Tawag sa akin ni Kiel sa namamaos niyang boses. Nagising na naman ito.

Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya dahil niyakap na niya ako habang nakatalikod. Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko at ipinatong ang baba sa balikat ko.

"Another nightmare?" He whispered in his husky voice.

Mabilis kong pinalis ang mga luha ko at pinilit na lunukin ang sakit na nakabara sa lalamunan ko. Hinawakan ko ang braso niyang nakayakap sa akin at pilit na ngumiti.

"Who told you about our son's twin?" Pag-iiba ko ng usapan.

Humigpit ang yakap niyang iyon sa 'kin at marahang hinalikan ang balikat ko na napunta sa leeg.

"I asked Lynne," he whispered.

Napatango ako. I knew it was Lynne. Ilang beses na niyang sinabi sa 'kin na sabihin ko na kay Kiel ang tungkol doon pero hindi ko ginawa dahil natatakot ako. I'm still thankful to her dahil hindi ko naman talaga alam kung paano ko sa kaniya sasabihin.

"Do you want to leave? Let's go to Australia. Umuwi na roon sina Mom last week para sa theraphy niya. We can stay there." He suggested, malalim pa rin ang boses niya.

Hindi ako kumibo. Sa halip ay umikot ako at hinarap siya. Tumambad sa 'kin ang malawak at batu-bato niyang dibdib. Wala itong suot na pang-itaas at tanging grey pants lang ang pang-ibaba. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang tingnan ko ang kabuuan niya. Nakalugay ang buhok nito at ang iilang hibla ay nasa mga mata niya. Inayos ko iyon at pinakatitigan ang asul niyang mga mata.

"Why do you want to leave?" I asked him while still staring into his eyes.

His dreamy eyes that can melt my heart always. Hindi ako sigurado kung gano'n talaga ang mga mata niya pero alam kong sa tuwing titingnan niya ako ay ganito na ito. Tila nalulunod ako sa asul niyang mga mata. It is full of love and compassion. Bigla kong na-miss ang boses niya habang kumakanta at tinititigan ako.

"I know you're having a hard time staying here. We can leave and start a new life there," marahan niyang sambit sa akin kaya napangiti ako.

That was also my thoughts the past few days. Gustong-gusto ko nang umalis dahil alam kong mas makabubuti iyon para sa akin. Pero hindi ko alam kung kaya kong iwan ang mga alaala nila Daddy sa lugar na ito.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon