Colleague
"Why are you so sensitive this time? Hindi ka naman dating ganyan," tanong sa 'kin ni Lynne nang biglang tumawag ito pagkalabas ko ng bahay.
Hindi ko na nga sana sasagutin dahil nagtatampo at naiinis pa rin ako sa kaniya dahil kasama siya sa mga nagsinungaling sa 'kin. Pero sa kabilang banda ay talagang hindi ko pa rin siya matiis. Gaya ng kung paano hindi ko matiis si Kiel ngayon. Alam ko 'yon sa sarili ko.
"I'm not, Lynne. You know my reason-"
"At alam mo na rin ang dahilan ni Kiel, 'di ba? He witnessed what happened to you on that island when Calix shot you. Nasaksihan niya kung paano ka nag-agaw-buhay nang mga panahon na 'yon. Kung ako rin ang nasa kalagayan niya, mas gugustuhin kong huwag mo na lang isipin ang sarili kong kondisyon." Sermon niya sa 'kin, seryoso pa rin ang boses nito.
Napanguso ako nang marinig ko iyon. Sa tuwing nakakatanggap talaga ako ng mga salita sa kaniya ay puro katotohanan ang mga ito. She has no filters at nakakainis 'yon.
Tamad akong umupo sa hammock na naroon. Napapikit pa ako nang umihip ang malakas na hangin. Ramdam ko ang lamig sa balat ko dahil naka-dress lang ako na spaghetti strap.
"But Eleanor knows! How would you explain that? Naiintindihan ko naman na ang side ninyo but when it comes to that woman, alam mong sarado ang isip ko," nanggagalaiti kong sinabi sa kaniya at umirap pa sa kawalan.
Hindi siya sumagot dahil siguro, maging ito ay hindi alam kung bakit maging ang babaeng 'yon ay alam din ang totoong kondisyon ni Kiel ngayon.
Marahas akong bumuntong-hininga habang naghihintay pa rin ng sagot niya. Narinig ko rin ang pagbigat ng hinga niya sa kabilang linya. Tila gusto nang tapusin ang usaping ito. Knowing her, her pregnancy hormones is making her miserable and a bitch two times!
"Just try to understand him. Huwag mong tingnan palagi ang negatibong bagay. Hindi naman laging ikaw 'yong tama."
Iyon na ang huling sinabi niya bago tuluyan nang nagpaalam dahil sumasakit na raw ang tiyan nito. Ilang minuto pa akong nakatingin sa kawalan bago ko narinig ang yabag ng kung sino. Sunod na naramdaman ko ang presensya sa likuran ko.
"She just accidentally heard it while I was talking to Caleb. Hindi ko sinabi sa kaniya. I swear to God." Dinig kong paliwanag niya at sunod na naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.
Tiningnan ko ang kamay niyang 'yon. Bakat na bakat doon ang mga ugat niyang nagngangalit na tila gusto na ng mga ito lumabas sa kamay at braso niya. Bigla akong nakaramdam ng init habang pinagmamasdan ang braso niya. I know it in myself-that it is one of my weaknesses. His veins. On his arms and hands. Damn it. Bakit kailangang maramdaman ko ito sa ganitong pagkakataon?
Kinagat ko ang ibabang labi ko at marahas na bumuntong-hininga. Lynne is right. Siguro ay sobra na ang pagiging negative thinker ko. Hindi naman ako dating ganito at isa ito sa mga ayaw ko.
Hinawakan ko ang kamay niyang 'yon pataas sa braso niya. As if I was feeling his veins. Sana lang ay hindi niya iyon mapansin.
"Your son is in his room. Pinuntahan mo na ba?" Marahan kong tanong sa kaniya nang hindi pa rin siya tinitingnan.
Saglit na tumahimik ang paligid. Marahil ay nagulat siya sa inakto ko dahil ini-expect niya na galit ako.
"Are we okay?" Tanong niya, nagsusumamo ang boses niya.
Hindi ko siya tiningnan. Nanatili ang hawak ko sa kamay niya. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumungo sa harapan ko at yumuko. Halos maduling ako nang salubungin niya ang mukha ko. Amoy na amoy ko ang mainit niyang hininga, dahilan upang mas lumakas ang init na nararamdaman ko. I swear! I'm not like this! Dahil lang ito sa pagbubuntis ko!
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
Roman d'amourSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...