Kabanata 58

57 1 0
                                    

Damaged

I can really feel my heart is racing at this point. Halos hindi ako makahinga dahil sa labis na takot at kaba lalo na nang makita ko ang duguang si Kiel. Agad na kinalong ko ang ulo nito at mabilis na bumaling kay Calix.

"N-no! Please! No!" Sigaw ko sa kaniya at nanginginig na hinawakan si Kiel.

Nakapikit na ito. Nakita ko ang malaking cut niya sa kilay at ang bibig nito ay sabog. Pakiramdam ko ay aatakihin na ako sa puso habang tinitingnan siyang walang malay. Tila napuruhan ito. Nang hawakan ko ang likod ng ulo niya ay lalo akong naiyak nang tumagas ang dugo mula roon kaya muli akong bumaling kay Calix.

"Anong ginawa mo?!" Nanggigigil na sigaw ko sa kaniya.

"T-tulong! Lex! Oh, God! Hinding-hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama sa ama ng anak ko!" I screamed and burst into tears.

"You should go, Acel, dahil kung hindi ay madadamay ka rito-"

"Matagal mo na akong dinamay, Calix! Muntik mo na nga akong patayin. 'di ba?! At anong balak mo kay Kiel?! Gusto mo rin siyang patayin?! Bakit?! To satisfy your fucking ego?! Para makuha ang hustisya?!" Sigaw ko sa kaniya habang patuloy ang pagsabog ng mga luha ko.

Hindi pa rin niya binibitiwan ang baseball bat na iyon na may mga bahid na rin ng dugo kaya lalong nagpuyos ang galit sa puso ko. Tumayo ako at hinarap siya. Buong lakas ko siyang tinulak.

"Patayin mo na rin ako! Patayin mo na ako kung gusto mo talaga ng hustisya! Tutal anak naman ako ng taong pumatay sa mga magulang mo! Patayin mo ako! Para maging masaya ka na! Patayin mo na ako!"

Nagngangalit ang galit ko para sa kaniya. Na kung kaya ko lang gawin ay gagawin ko rin ang ginawa niya kay Kiel pero hindi kaya ng konsensya ko. Alam kong hindi ako gano'ng tao.

Nang hindi siya sumagot ay nanghihina akong lumuhod muli para daluhan si Kiel. Paulit-ulit ko siyang niyugyog habang humahagulgol ngunit hindi na talaga siya gumising pa kaya napasigaw na ako.

"Fuck it! Why are you doing this to me?! Kiel, please . . . Wake up, baby. I'm fucking begging, wake up! Gumising ka para sa 'kin parang-awa mo na!" I frustratedly screamed at him and kissed his hands repeatedly.

Inangat kong muli ang tingin ko kay Calix at sinalubong ang nagliliyab niyang mga mata. Tinuro ko ito at nagpakawala ng malulutong ng mura.

"I will fucking kill you, Calix! Tandaan mo ito, kapag may nangyaring masama kay Kiel ay ako mismo ang papatay sa 'yo! Let's kill each other! Tingnan natin kung sino ang unang mawawala sa mundong 'to!" Puno ng galit na sinabi ko sa kaniya.

Ilang minuto pa ako nitong tinitigan bago tuluyang tumakbo palayo. Dumaan siya sa likod ng bar at sakto naman ang pagdating ni Lex at ng ambulansya.



Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagpapabalik-balik ng lakad at upo sa waiting area, sa labas ng operating room. Mula nang ipinasok si Kiel sa OR ay wala pa ring doktor na lumalabas para sabihin sa akin ang kalagayan niya. Halos mabaliw-baliw na ako sa kaiisip kung ano na ang nangyayari sa loob hanggang sa dumating na si Jack kasama sina Caleb, Asher, at Miko. Si Lex ay may kausap na pulis sa labas, kanina pa iyon.

"Anong balita? Kumusta si Kiel?" Bungad na tanong sa akin ni Jack pero umiling lang ako at muling sinulyapan ang pinto ng operating room.

"Hindi ko alam." Nanginginig na sagot ko sa kaniya at nagsimula na namang maglakad nang pabalik-balik, but Asher stopped me and held my arm.

"Take a seat, Acel. Come on." Marahan niyang sinabi sa 'kin at iginiya na ako paupo.

Nanghihina akong sumandal at pagod na tumingin sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at muling sumabog sa iyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon