Kabanata 53

57 1 0
                                    

Loneliness

"Can you recommend me, someone, please?" I greeted Lex when I entered his office the next day.

Umangat ang tingin nito sa akin nang nakakunot ang noo. Tamad akong umupo sa harap niya at tinitigan siya pati na ang ginagawa niya.

"What is it?" He asked me. Itinigil niya ang ginagawa niya.

I decided last night to do everything I can just to find Henry De Ocampo, even Enrique Lim. Napanood ko sa TV kahapon na patuloy pa rin silang pinaghahanap ng mga awtoridad at sigurado akong magkasama ang dalawang matandang iyon. Hindi ako naniniwala na walang alam si Eleanor kung nasaan ang ama niya. Sigurado akong pinagtatakpan lamang niya ito maging ang Calix na iyon.

At handa akong magpakita sa kanila para lumabas lamang sila. I know what they are planning to do. They want A&S? Sure, they can get it. Iyon ay kung makukuha nila ito sa akin.

"May kilala ka bang magaling na imbestigador? I'm sure there is," kaswal na sinabi ko sa kaniya.

Pansin ko ang lalong pagkunot ng noo nito saka umiling. Niligpit niya ang ginagawa niya kanina lamang at bigla na lamang tumayo. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa bumalik ito sa harap ko at inabutan ako ng tasa ng kape. Tinanggap ko iyon.

"I know what you're thinking. Alam ba ito ni Kiel?" Tanonng niya.

Umiwas kaagad ako ng tingin sa kaniya at sinimsim ang kape na iyon. Napangiwi pa ako nang malasahan ko ang pait doon.

"Malalaman niya kung sasabihin mo, Lex, na ayaw kong mangyari. I want to find Henry myself," matapang na sinabi ko sa kaniya.

Ngumisi ito at bumalik sa upuan niya. Tiningnan niya ako nang malalim kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Do you know how dangerous is that? What makes you think that I will let you?" Seryoso niyang sinabi sa 'kin kaya napanguso ako.

Bago pa man ako tumungo rito ay alam ko nang ito ang sasabihin niya. Baka nga sabihin niya pa ito kay Kiel na tinakasan ko lamang kanina at nagpaalam na sasaglit sa opisina. I honestly don't care what will happen to me outside our house. Wala na akong nararamdamang takot o pangamba, hindi gaya noon. Nang tuluyang mag sink-in sa akin ang nangyari sa pamilya ko ay wala na akong maramdamang kahit na ano bukod sa galit. I know I'm starting to become numb at this point. Punong-puno ng galit ang puso ko at hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko sila nasisingil sa ginawa nila sa akin.

"I don't like what you're thinking, Acel. Hayaan mo na ang mga pulis na tumugis sa kanila. May nakalap akong impormasyon at ebidensya galing mismo sa ina ni Calix. Galing siya rito at ibinigay ito sa 'kin," Lex uttered then handed me an envelope.

Tiningnan ko iyon bago ko ito tanggapin. Ramdam ko ang matinding pagkalabog ng puso ko habang tinitingnan ko ang envelope na iyon. Pakiramdam ko ay makakadagdag lamang iyon ng galit ko sa oras na tingnan ko ang laman no'n.

"Is it an evidence? Nasaan daw ang anak niya?" Tanong ko sa kaniya imbes na kunin ang envelope na iyon.

Naintindihan niya ang nais kong iparating at pinatong na lamang sa mesa ang envelope na iyon. Narinig ko ang pagtikhim ni Lex. Nakakatunaw ang titig niyang iyon na tila may nais siyang sabihin sa akin na makakapagpabago ng tingin ko sa kaibigan niya kaya yumuko na lamang ako.

"She doesn't know anything about her son dahil hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nang mamatay ang tatay niya ay saka lamang siya nagpakita sa kanila. He's been living alone until you came into his life. Mag-isa niyang tinaguyod ang buhay niya hanggang sa maging abogado siya. He's blinded by revenge for now but I know him very well," paliwanag nito kaya napangiwi ako.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon