Kabanata 7

77 4 0
                                    

Grand

There are really times that I think of the possibilities in which Zick would meet anyone related to his Dad, especially his Dad, of course. Bago ko pa ipanganak si Eizickiel ay talagang nakikita ko silang dalawa sa isip ko na magkakilala na sila. Na dadating 'yong araw na makikita nila sa isa't isa ang napakaraming pagkakapareho, pero ngayon ay hindi na kayang tanggapin iyon ng utak ko. I am no saint, yes, pero hindi ko kayang malaman ni Zick na isang kriminal ang ama niya.

Marahas akong nagpakawala ng buntong-hininga habang nakatitig sa labas ng bintana ng office ko. Thinking of what happened that day when I met Tita Liza after a long year. Halos sumuko ako nang makita ko ang kalagayan niya. She can barely survive based on what I saw that day. Bakas na bakas ang katandaan, ngunit nananatiling malambot pa rin ang itsura nito. Kasama niya si Jack no'ng araw na 'yon dahil ito pa rin ang nag-aalaga kay Tita Liza. Good thing, she still has Jack dahil ang dalawa niyang anak ay walang kuwenta.

"Are you with us, AJ?"

Kamuntikan na akong mapasigaw nang marinig ko ang boses na 'yon ni Lolo Samuel. Nawala sa isip ko na narito sila ngayon ni Uncle Raul kasama si Astraea na kararating lang din para pag-usapan ang tungkol sa nakaraang meeting ko with Mr. Lim.

Marahas muli akong bumuntong-hininga at bumalik nang muli sa swivel chair ko.

"Sa susunod ay huwag mo nang hayaang lumabas ang apo ko nang hindi ka kasama. Sobrang delikado ng panahon ngayon," Lolo Samuel said to me with his baritone voice, pinipilit kumalma.

"Mabuti na lang at mabait ang nakakita sa kanya. I heard, Zick knows them kaya sumama ang bata sa kanila," dagdag pa nito na lalong nagpakabog ng dibdib ko.

Walang nakakaalam maliban lang kay Calix kung sino ang nakakita kay Zick. I don't want to tell them dahil alam kong malaking gulo na naman lalo na't involve ang anak ko.

Iniwas ko ang tingin sa kanila at nagkunwaring may tinitingnan sa laptop.

"Akala niya lang ay kakilala niya, 'Lo. He grew up in States, imposibleng magkaroon siya ng kakilala rito," I told him as I closed my laptop and looked at them.

"How are you, Miss Laxamana?" Nakangiti kong bati kay Astraea na tahimik lang na nakikinig sa amin.

Ngumisi ito sa 'kin at umayos ng upo. Bigla kong naalala si Levi at ang pagtatago niya sa 'min ng totoo tungkol sa kanilang dalawa. Kaya pala pamilyar ito. Siya iyong babae na nakita kong bigla na lamang lumapit sa amin ni Levi sa pantry at umiyak.

"Rae na lang, Acel. I'm sorry I didn't tell you right away. Ayaw kasi ipasabi ni Mr. Sandoval." Nahihiya niyang sinabi sa 'kin kaya halos matawa ako.

"Ayos lang. Let's just talk later with my cousin Levi," I told her which made her look away from me kaya tuluyan na akong natawa.

They are here to discuss the shares of Royale Company and Astraea was just a representative. Buong akala ko ay siya talaga ang may-ari ng malaking publishing house na iyon at hindi rin nasabi sa 'kin ng Levi na iyon ang tungkol sa kanilang dalawa.

Nang matapos ang meeting namin na 'yon ay nagpasundo na ako kay Calix dahil niyaya ako nitong mag dinner date. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya pero ang hula ko ay bumabawi pa rin ito dahil sa nangyari kahit sinabi ko nang ayos lang at sana hindi na maulit sa susunod.

While I was walking outside the building, my cell phone beeped, so I immediately pick it up from my bag expecting a text from Calix but I was wrong.

While I was walking outside the building, my cell phone beeped, so I immediately pick it up from my bag expecting a text from Calix but I was wrong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon