Kabanata 16

78 1 0
                                    

Re-open

I tried understanding everything five years ago. Inisip kong magpagtawad at kalimutan na lang lahat ng nangyari noon. Dahil naniwala akong lahat naman ng tao, nagkakamali. They can learn something from their mistakes. They can still improve and grow. Pero mukhang hindi roon kasama ang pamilyang mayroon ako. Pakiramdam ko ay ayaw nilang kalimutan ang nakaraan dahil hanggang ngayon, hinahayaan pa rin nilang guluhin sila nito.

Matapos kong paliguan at patulugin si Zick ay tamad akong bumaba para kumuha ng tubig. Ang nangyaring iyon sa opisina ko kasama si Kiel ay hindi pa rin maalis sa utak ko. Nararamdaman ko pa rin ang paraan ng paghawak niya sa 'kin, tila hindi iyon makalimutan ng katawan ko.

Nadatnan ko sa kusina si Levi na nakatulala na naman kaya hinampas ko na ito. Nitong mga nakaraang araw ay lagi na lang itong tulala. Ano bang problema nito?

"Madalas ka yata rito?" I asked him.

Nanatili pa rin ang tingin niya sa kung saan. Saglit lang itong bumaling ng tingin sa 'kin bago marahas na bumuntong-hininga. Tila may problema.

"I heard what happened to you. Bakit hindi mo pabuksan muli ang kaso ni Uncle nang sa gano'n ay mahuli na talaga ang totoong may sala?" He suggested which made me look at him.

Napaisip ako roon. Sumandal pa ako sa hamba ng pintuan at napatingin sa kung saan. He has a point. Hindi ko iyon naisip dahil sa sobrang dami ko nang inaasikaso at pakiramdam ko ay punong-puno na ang utak ko. Hindi na kaya no'n ang magdagdag pa.

"Do you think I should ask Lolo Samuel about it?" I asked Levi after minutes of thinking about his suggestion.

He just shrugged his shoulder at inagaw sa 'kin ang basong ininuman ko. Pinanood ko lang siyang salinan iyon ng tubig at ininom.

"The decision is all yours, AJ. You don't have to ask them anymore. It's your Dad's case. You can ask your boyfriend Calix about it," he stated and went on his way.

Saglit pa akong natulala roon bago ko napagdesisyunang tumungo sa study room ni Daddy.

Nang makapasok ako roon ay ganito pa rin ang ayos nito. Walang pinagbago bukod sa nakakabinging katahimikan. It's still clean because Mommy always cleans it. All the memories of this room one after another flooded my mind especially when I sat in the chair in front of Daddy's table. I could feel my mood change when I touched his reading glasses that was sitting there.

Bagong-bago pa sa isip ko lahat ng nangyari sa kwartong ito. Kung paano ko siya sinuway at sinagot nang paalalahanan niya ako tungkol kay Kiel noon. Kung paano niya ako sinaktan nang paulit-ulit na alam kong labag din naman sa loob niya, na alam kong paulit-ulit ko ring iintindihin kung bakit humantong sa ganito.

Tumayo ako at nilibot ang buong kwarto habang nararamdaman ko ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko at ang pagkirot nito. Miss na miss ko na siya. May mga gabi pa ring binabangungot ako dahil sa nangyari. Paulit-ulit pa ring nagrereplay sa utak ko kung paano siya bumagsak nang barilin siya nang gabing 'yon. The spreading of his blood as he uttered my name. How he fought in the hospital just to survive because maybe, he thought I couldn't handle it but he still lost his life.

Nang mapadako ang tingin ko sa mga librong nasa shelf ay natigilan ako nang makakita ako ng puting sobre. Nakaipit ito sa paborito niyang libro kaya agad na kinuha ko iyon.

Umupo ako sa swivel chair habang binubuksan ko ang sobre. Nang tuluyan kong mabuksan iyon ay tumambad sa 'kin ang sulat-kamay ni Daddy. Napakaganda nito, na kahit lalaki siya ay napakaganda ng sulat-kamay niya.

Dearest Acel Jean,

My love, I am sure when you see this letter I will no longer with you, your mommy and your brother. I want you to know how much I love you, especially you. When you came into our life, we ​​didn't plan everything but I was very happy because I finally have a daughter. Ikaw ang nagsilbing lakas at kahinaan ko noong mga panahong halos hindi na ako makabangon sa lungkot. Ikaw ang nagsilbing inspirasyon ko para ipagpatuloy ko ang buhay ko na puno ng kamalian at kasalanan. Ikaw ang nagbigay sa 'kin ng bagong pag-asa noong naramdaman ko kung paano mamatay nang paulit-ulit nang dahil lang sa isang pagkakamali, ngunit hinding-hindi ko pagsisisihan.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon