Wakas

95 1 0
                                    

Kiel De Ocampo

Nagsimulang tumugtog ang violin. The tune was familiar to me. It was a good choice of music. Hindi ko mapigilang mapatingin sa nag va-violin. Ni hindi ko sinabi sa kanya na itugtog iyon para sa ngayon. Umuhip ang hangin galing sa dagat. Nilingon ko ang mga nasa gilid ng boardwalk na parehong nakaputi.

Malaki ang ngiti ni Caleb habang inaayos niya ang kaniyang damit. Nasa bulsa naman ni Asher ang kaniyang mga kamay, pinapanood ako sa kinatatayuan ko.

"Congrats, bro! Sa wakas, ikakasal na kayong dalawa!"

I grinned. Ngunit ang titig ko ay nasa dulo nitong boardwalk. Nakikita ko na siya kasama si Lynne. She's wearing a long all white dress. May mga bulaklak na nakapalibot sa kaniyang ulo. Her hair fell in flowing curls over her shoulder.

My heart felt warm. Mabilis din ang pintig ng puso nito. Finally, I can call her my wife. It's finally official. Matagal kong hinintay ito at sigurado akong pati siya ay naghintay nang matagal para sa araw na ito.

"Nice choice, Kiel. This is the most beautiful island I've seen. Wala pa masyadong maraming turista."

Nilingon ni Miko ang nakapaligid sa aming kulay asul na dagat.

"Fortune Island, huh."

"Malapit lang kasi sa rest house. We'll live here for the next seven months before our next world tour," sabi ko nang hindi tinatanggal ang tingin kay Acel na papalapit, may dala-dalang mga puting bulaklak. She smiled at me. Tumayo ako nang maayos.

If I Could Fly was at it's peak. Kinilabutan ako nang mas lalo kong narinig ang violin na tinutugtog ito. Kinakabahan na talaga ako.

Noong una kong nakita si Acel ay hindi ko akalain na mamahalin ko siya nang higit pa sa buhay ko. We spent our childhood together at nang magkaisip na't alam na ang kaniya-kaniya naming pangarap, I decided to go for it so I left her. That was also the time I learned about mom's past and how my unborn sister died. I was full of hatred before I come back home and all I could think about is revenge.

That was also the time that anger, hatred, and revenge ate me to the point that I couldn't remember how much I love her during those times.

"H-hindi ako naniniwala... alam ko... nararamdaman kong mahal mo ako habang magkasama tayo. Kiel, please... don't do this to me," nanghihina niyang sinabi sa 'kin. Punong-puno ng pagmamakaawa ang tono ng boses niyang 'yon.

Pumikit ako nang mariin nang makaramdam ako ng panghihina nang marinig ko ang basag niyang boses. Ni ang tingnan siya ay hindi ko magawa dahil alam kong may posibilidad na bumigay ako at lahat ng mga ginawa ko sa kaniya ay tuluyan na lamang niyang makalimutan.

"P-please... sabihin mo sa 'king hindi totoo lahat ng sinabi mo, maniniwala ako. Sa 'yo lang ako maniniwala... lahat ng sasabihin mo... iyon lang ang paniniwalaan ko... K-Kiel..." she muttered and burst into tears again.

Nang tingnan ko ito ay tuluyan nang gumuho ang mundo ko nang makita ko ang mapupula niyang mga mata. Namumugto ito at walang tigil sa pagbuhos ang mga luha mula roon. Tila durog na durog ito na parang isang upos na sigarilyo.

Putangina, Acel. Bitiwan mo na ako, pakiusap. Bumitaw ka na.

"H-hindi mo ba talaga ako minahal?" Pagpapatuloy niya.

Sa puntong iyon ay tila isang kidlat na alaala ang dumaan sa isip ko. Lahat ng alaala niya... namin noong masaya pa kami. Mga alaala na alam kong panghabang-buhay ko na lamang babalikan sa aking isip dahil hinding-hindi na ako magkakaroon pa ng pagkakataon na ulitin o dagdagan pa iyon.

Lumunok ako. Ang namuong sakit sa lalamunan ko ay dumagdag sa pagkahati ng puso ko. Tila pinipiga iyon nang paunti-unti.

God knows how much I fucking love you, baby. Mahal na mahal kita na hindi ko kayang mapunta pa ako sa 'yo. Mahal na mahal kita na hindi ko na kayang hayaan ang sarili kong saktan ka pang muli. Mahal na mahal kita na hindi ko na kayang hayaan ang sarili kong makasama pa ako. Mahal na mahal kita na hindi ko na kaya pang hayaan ka na mahalin pa ako.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon