Kabanata 10

89 1 0
                                    

Unanswered

That was the first time we talked about marriage. We've been together for years now and this is the first time I felt something strange about that topic. I don't know what was that feeling. Ang alam ko lang ay ginawa ko ang lahat upang itanggi iyon kahit na sa sarili ko.

"So, what's the real score here? Abswelto na sila?" I asked Alexander one gloomy day.

Sinadya kong pumunta sa law firm niya para pag-usapan ang dismissal ng kaso ng dalawa. I don't understand every words have Uncle Raul said to me yesterday. May alam ako sa batas dahil dati akong lawyer pero ang hindi ko maintindihan ay ang biglang pagbabago ng statement ng mga ito. Bakit?

"Dahil sa statement ni Benjamin ay binigyan sila ng parole ng korte. Non-bailable ang parehong kaso nila pero binaba iyon sa limampung taon at-"

"And what? Someone bailed them? Sino? At bakit binigyan sila ng parole? Ano bang binago sa statement nila?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Lex furrowed his forehead and handed me a folder. Tinanggap ko iyon at agad na binasa ang laman no'n. Ito ang bagong statement nila. Bakit hawak niya ito?

Imbes na basahin ko muna iyon ay bumaling ako kay Alexander na prente nang nakaupo sa swivel chair niya. Hinihilot nito ang ulo niya na parang stress na stress. I raised a brow on him.

"What's the meaning of this, Lex?" I asked, pertaining to this damn statement I am holding.

Marahas itong bumuntong-hininga at umayos na ng upo. Saglit niya pang tiningnan ang hawak kong papel bago muling bumaling sa 'kin.

"I'm their lawyer, AJ," he stated.

Napanganga ako dahil sa narinig ko. Nagpabaling-baling ang tingin ko sa kaniya at sa papel na hawak ko. Nang maintindihan ko kung anong sinabi niya ay tamad kong ipinatong ang papel na iyon sa ibabaw ng table niya.

Nanahimik ako nang ilang minuto, hinihintay kung may idadagdag pa ba siya dahil may parte sa 'kin na hindi pa rin ma-gets ang punto niya.

"Oh . . ." I uttered. "Really?"

"Look, AJ. Listen, I went to their house last month to visit Tita Liza. May sinabi siya sa 'kin tungkol sa mga nangyari noon and she asked me to be her sons' lawyer this time. Hindi ko inaasahan na mananalo ako but I need to win this to expose the truth about what happened five years ago," seryosong paliwanag niya sa 'kin ngunit kahit isa ay wala pa rin akong maintindihan sa sinabi niya.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang maalala ko ang mga nangyari noon na kung hindi dahil sa anak ko ay mas pipiliin kong mamatay na lamang. That fucking revenge drained me big time! Kinuha at inubos nito ang lahat sa 'kin at ni isa ay walang itinira. Akala ko tapos na ito? Bakit nandito na naman ako ngayon at pakiramdam ko, may binubuo na naman akong puzzle tungkol pa rin sa bagay na iyon? This is so exhausting!

Tamad akong napapikit at napasandal. "Ano na naman ba 'to?" I lazily asked him.

Bago ko pa marinig ang sagot niya ay nabaling na ang atensyon namin pareho kay Calix na bigla na lamang sumulpot. His gaze immediately focused on me as he walks towards me.

"I'm sorry to interrupt you two but can I borrow her for a minute, Lex?" Calix playfully asked Lex kaya napatingala ako sa kaniya. Saglit na nawala sa utak ko ang pinag-uusapan naming kanina lang bago siya dumating.

"Bakit?" I asked but he didn't even look at me kaya napairap na lamang ako.

I stood up and look at Alexander na mataman at seryoso pa ring nakatingin sa 'kin. Saglit na tumingin ito sa wrist watch niya at tumayo na rin.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon