Line
I can clearly remember what it feels to be left alone, clueless, and more than a stupid being. Naalala ko pa kung gaano ko hinahangaan ang buong pamilyang mayroon ako dahil talaga namang may mga sari-sariling pangarap ang mga ito na kahit mahabang panahon na ang lumipas ay mahal na mahal pa rin nila ito.
Not like me. I was unable to find my own dream when I started to put myself in chaos. I started to feel off and out of place with my own family when I learned about their history. I started to doubt everyone when I found out how they made me feel more stupid ever since when I was a child.
Because of this war between my family and his family, I am unable to hear myself laughing again because of too much joy. That because of this fucking war-that everyone thought and made a big deal up to now-I don't even know how to keep going without any fear and confusion.
Na kahit gustuhin ko mang kumawala nang ilang beses sa gyera na ito, hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay kakambal na ito ng pagkatao ko.
"I don't think it's safe for you to go back to the city. Nabalitaan mo naman ang nangyayari doon, hindi ba?" Jaxon told me as I was packing my few things.
Patuloy sa pagkalabog ang puso ko dahil sa hindi ko na malamang dahilan. Ramdam na ramdam ko pa rin ang panginginig ng buong katawan ko at pakiramdam ko'y anumang-oras ay susuka ako dahil sa sobrang takot at kaba.
"I don't fucking care. Kuya Roy needs me," I firmly said to him and continue sorting my things out.
"No one needs you there, AJ. Kaya nga umuwi kayo rito para maiwasan ninyo ang mga mangyayari doon. Bakit babalik ka pa?" Galit na tanong niya sa 'kin kaya mabilis ko siyang nilingon.
"Who told you that? Hindi mo ba ako narinig? Kailangan ako ni Kuya Roy dahil nag-aagaw buhay siya!" Hindi ko na napigilang sigaw sa kaniya.
Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko na tila nasusunog sa sakit. Labis ang takot na nararamdaman ko nang banggitin ko ang mga salitang 'yon patungkol kay Kuya Roy, ngunit hindi ko naman puwedeng lokohin ang sarili ko para lang kumalma ako.
What Mom said to me an hour ago was like a million knives that stabbed my poor heart all over again. It ripped my whole being to the point that I couldn't think properly for over a minute earlier. Halos mabaliw ako dahil sa nalaman ko kung hindi lang ako napakalma ni Kiel.
I heaved a deep sigh before biting my lower lip to control my tears to fall. Padarag akong umupo sa sofa habang panay pa rin ang paninitig sa akin ni Jaxon.
"Hindi makakatulong 'yang pagmamatigas mo, AJ. Don't you dare leave this Casa. Hayaan mo na silang lahat doon at manatili ka rito!" Halos sigaw na sa akin nito kaya lalo akong nakaramdam ng galit at pagkalito.
I was about to utter a word when Kiel suddenly entered the room. Namalayan ko na lamang siya na nasa harapan ko na at nakatingin sa bagaheng nasa paanan ko.
"Sino ang aalis?" Tanong niya kaya nag-iwas na agad ako ng tingin.
Saan pa ba ito nanggaling? Bakit ngayon lang ito nakabalik galing sa pag hatid niya kay Eleanor?
"Kausapin mo 'yang asawa mo." Si Jaxon ang sumagot kaya nag-angat ang tingin ko sa kaniya.
"Hindi ko siya asawa." Mariin kong sinabi sa kaniya.
"Stop insisting things na parang ikaw ang mas matanda sa ating dalawa!" Nanggigigil na hiyaw ko sa kaniya.
He just laughed at me which made me angrier.
"Ikaw nga ang mas matanda sa atin kaya dapat maayos ka na mag-isip. Hindi ka makakatulong doon, mas lalo pang gugulo ang sitwasyon," seryoso nitong sambit pa sa akin at umiling pa.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...