Kabanata 61

52 1 0
                                    

Madness

"What do you want, Acel? This is not you. Hindi mo kayang pumatay." Tila pangungumbinsi niya sa 'kin kaya halos humalakhak ako.

I know what he's trying to do. Inililihis niya ang utak ko sa tunay na balak ko ngayon. Nahagip pa ng mga mata ko ang paglapit sa kaniya ni Enrique Lim habang nasa likuran nito ang mga tauhan niya. Nakatutok lahat ng baril nila sa 'kin, ngunit wala akong maramdamang kahit na ano. Na kahit alam kong puwede akong mamatay ngayon din dito ay hindi man lang ako nakaramdam ng kahit kaunting takot. Tanging labis na galit lamang na kahit ang puso ko ay isinisigaw iyon. Sana ay naririnig nila.

"You don't know me, Calix. You don't know anything about me gaya ng kung paano ako sa 'yo. Hindi mo alam na kayang-kaya kong pasabugin 'yang bungo mo ngayon din," mariin na sagot ko sa kaniya at mas itinutok pa ang baril ko sa pagmumukha niya kahit medyo malayo ang agwat namin.

Nakita ko ang pag ngisi ni Enrique Lim sa gilid niya at ang paggalaw ng mga tauhan niya kaya naalarma ako. Bago pa man sila makagawa ng kung ano ay nagpaputok ako at tinamaan no'n si Calix sa binti.

"I told you, try to shoot me once, this man will be fucking dead!" Sigaw ko sa kanilang lahat.

Dinig ko ang pagpapakawala ng malulutong na mura ni Calix kaya itinutok ko agad ang tingin ko sa kaniya.

"Diretsuhin mo na kami, Acel Jean. Anong kailangan mo? Hindi mo gugustuhing maubos ang pasensya ko," sabat ni Enrique Lim kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagdating nila Levi mula sa kung saan kasama sina Uncle Raul kaya napamura ako sa isip ko. Anong ginagawa nila rito?!

"'Di ba ako dapat ang magtanong niyan sa inyo? Anong kailangan niyo sa pamilya ko at patuloy niyong sinisira lahat ng sa 'kin?!" Hindi ko na napigilang sigaw sa kanila.

Kumirot ang puso ko nang maalala ko na naman ang mga nangyari at kinahinatnan ng mga ginawa nila sa 'kin. Sobra-sobra iyon na kahit ilang beses silang humingi ng tawad sa 'kin ay hindi ko sila kayang patawarin.

"What?! Bakit patuloy niyong inuubos ang lahat ng sa 'kin?! Kiel almost died because of you, Calix! Tingin mo ay hindi kita kayang patayin ngayon dahil sa ginawa mo?!" Nagngangalit na sigaw ko sa kanila.

Walang pagsidlan ang galit sa puso ko habang pinagmamasdan silang tingnan ako na tila wala sa kanila ang mga sinasabi ko. Lalo na nang tumayong muli si Calix at diretsong tumingin sa 'kin. Hindi ko makita sa ekspresyon niya na nasaktan siya sa ginawa kong pagbaril sa binti niya.

"Dapat lang 'yon sa kaniya. I should've killed him but you showed up! Hinding-hindi mo maiintindihan ang rason ko kahit patayin mo pa ako!"

"Then I will fucking kill you! I will fucking rip your heart into pieces just like what you've done to me!"

"AJ, that's enough!" Uncle Raul shouted and immediately walked towards me.

Tila wala siyang pakialam kung bigla na lang siyang barilin ng mga kriminal na ito. Kinagat ko ang ibabang labi ko at saglit na tiningnan siya at muling ibinalik ang tingin kay Calix at Enrique Lim. Ang matandang ito ay nakangisi lamang habang pinagmamasdan ako.

"Huwag kayong makialam dito, Uncle. I should've done this a long time ago! Bago pa man mamatay sina Mom at Kuya! Matagal na dapat dahil wala naman kayong ginagawang aksyon sa bagay na ito. Ako lang ang pinahihirapan ninyo, alam niyo ba 'yon?!" Puno ng hinanakita na sinabi ko sa kaniya.

Huminto ito sa gilid ko malayo sa 'kin kaya umiling ako. Nanatili ang tingin ko kay Calix na ngayo'y matalim na ang tingin sa 'kin.

"You know what? Looking at you like this disgusts me. Na kung hindi lang dahil sa kagustuhan kong patayin ka ngayon ay hinding-hindi kita titingnan dahil nakakadiri ka. Hindi na kita makilala at nagsisisi akong nakilala kita sa hindi totoong katauhan mo. I fucking loathe you to death, Calix. Nagsisisi akong minahal kita. Nagsisisi akong ipinakilala kita sa anak ko. Nagsisisi akong mas pinili kong makasama ka kahit ang totoo ay si Kiel-"

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon