Kabanata 34

66 1 0
                                    

Dropped

"Why did you even tell him? At kailan ka pa nagkaroon ng number niya?" Puno ng iritasyon na tanong ko sa kaniya nang sagutin niya agad ang tawag ko.

I heard his chuckle kaya mas lalo ang naramdaman kong iritasyon sa kaniya. Tila inaasar pa ako nito lalo.

"I just told him you left the city. Hindi ko naman sinabi kung saan kayo nagpunta," Levi simply answered.

Umikot ang mga mata ko sa ere.

"Kahit na! Hindi mo na lang dapat sinabi. Si Kiel iyon! Lahat gagawin no'n mahanap lang kami-"

"He should, AJ, dahil siya dapat ang magprotekta sa inyo laban sa sarili niyang ama." He cut me off which made me laugh.

Padarag akong umupo sa sofa habang nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang paghahabulan nila Celine at Zick.

"Hindi ko kailangan ng proteksyon. Kaya kong protektahan ang sarili ko at ang anak ko, Levi. He's no longer involved with this, so please, let me handle everything here alone. Huwag mo nang tawagan o kahit replyan." Namomoblema kong sagot sa kaniya at pumikit na lamang.

Ilang segundo pa siyang nanahimik bago ko narinig ang buntong hininga niya.

"Kailan ba ang balik niyo?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Hindi ko pa alam. I'm planning to stay here for good dahil sigurado akong gulo lang ang daratnan ko diyan. I don't want my son to witness a war between our family and his Dad's family." Walang gana kong sagot sa kaniya at idinilat na ang mga mata ko.

Wala namang ibang nakakaalam kung saan ang mismong lugar ng Tierra Fima. Sinadya ito sa tagong isla na may kakambal na malawak na lupain dahil hindi naman ito pang turista. Pribado ito at tanging mga business partner lang ng buong pamilya ang nakakapunta.

"Dad is taking care of everything here. Also, Uncle Raul went to A&S earlier today dahil nagpa-emergency meeting with Lim Incorporated. Huwag ka nang mag-alala sa kompanya. Just take care of yourself and Zick." Bilin nito sa 'kin kaya napangiti ako.

Levi is such a good man. Astraea is lucky but he's more than lucky to have her in his life. Hindi pa rin ako makapaniwala na malapit na silang ikasal at may anak na pala ito na kasing edad lang ni Zick. Parang kailan lang ay wala itong ibang inaasikaso kundi ang Acuzar Empire at ang pagiging pressure niya dahil kay Uncle Saldy.

"I will. Thank you, Lev. Huwag mo nang tawagan si Kiel, please lang. Stay out of this." Pinal na sinabi ko sa kaniya bago patayin ang tawag.

Saglit ko pang tiningnan ang mga message na pumasok sa akin nang araw na iyon. May mga iilang text galing kay Lynne at Calix at ang pinakamarami ay ang kay Kiel.

 May mga iilang text galing kay Lynne at Calix at ang pinakamarami ay ang kay Kiel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nangunot ang noo ko dahil sa huling text niyang iyon. Sinasadya niya bang putulin iyon para isipin ko kung anong gagawin niya once he finds us? Kung oo ay isa siyang malaking gago.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon