Power
"We need to go, Kiel, please. Hindi ko kayang makita ang Daddy mo," mariin kong sambit sa kaniya nang lumabas ako saglit mula sa bahay nila.
Si Zick ay kasama si Tita Liza habang ang Dad niya ay narinig kong may kausap sa telepono. Nakita kong pagkakataon iyon upang makausap si Kiel dahil hindi ko talaga magawang kumalma. Mabuti na lamang ay nabigyan ako ng pagkakataon na lumabas saglit dahil mula pa kanina ay hindi na ako tinantanan ng titig ng Henry na iyon.
"I'm so sorry, Acel. Hindi ko alam na nandito pa rin siya at-"
"It's fine. Just let us go. Ihatid mo na lang kami pauwi, please." Putol ko sa sasabihin niya at mataman siyang tiningnan.
Puno ng pagsusumamo ang mga mata nito habang nakatingin sa 'kin. Tila may nais pang sabihin ngunit labis ang pagpipigil sa sarili. Sa huli ay pagod itong bumuntong-hininga at iginiya na ako pabalik sa loob ng mansyon.
Nang makapasok kami ay sumalubong agad sa 'min ang Dad niya. Wala sa sariling napahawak ako sa braso ni Kiel nang mahigpit. Ramdam ko ang marahang pagbaba niya ng kamay ko patungo sa kamay niya at hinawakan iyon nang mahigpit.
"They're going home," Kiel uttered.
Nakita ko ang saglit na pagbaling nito sa huli saka muling bumalik ang tingin sa akin. Bahagya akong napaatras nang tumutok ang nakakatakot na tingin nito sa 'kin. He even smirked on me.
"Too soon, huh. Hindi ko pa nakakasama nang matagal ang apo ko," sambit nito sa malalim at baritono nitong boses.
Pinakatitigan ko ito. Bakas na ang katandaan sa hitsura nito ngunit nananatili pa ring makisig. Pareho sila ng katawan at tindig ni Uncle Saldy. Malaking lalaki at matangkad. Kamukhang-kamukha ito ng magkakapatid kung wala lang ang malaking peklat na iyon sa mukha niya.
I could feel the anger slowly welling up inside me as I stared at him. He also didn't let go of my gaze, so I was the first to let go of it.
"Well, I guess, there will be a next time-"
"There will be no next time," I firmly said to him, cutting him off.
Maging ako ay nagulat sa sinabi ko ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Napansin ko ang lalong pag ngisi ng matanda at ang paghigpit ng hawak sa 'kin ni Kiel. I looked up to him and nodded.
"Can you get Zick? I'll wait for you here." I commanded him as I let go of his hand.
Nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya kaya tumango na lamang akong muli. Saglit pang nagsukatan ng tingin ang mag-ama bago tuluyang umalis na si Kiel upang kunin ang anak ko.
"So, I haven't introduced myself formally to you. You're Acel, right? The daughter of Jef and Janica," he stated as if nothing happened and he is fucking innocent.
I stared at him more. I don't know why but he looks so mischievous. Pakiramdam ko ay walang totoo sa buong pagkatao niya. Lahat ay peke.
"I'm Henry, Kiel's Da-"
"Of course, I know you. You're the one who ordered someone to kill my father." I cut him off.
Umangat ang labi nito. Narinig ko pa ang saglit na paghalakhak niya bago muling bumaling sa 'kin.
"Tama ang Mom mo, matalino ka nga talaga. The thing is . . . you have no idea what is coming and what will happen. Wala pa sa kalahati ang mga nalalaman mo, hija." Mayabang nitong sagot sa 'kin.
Nangunot ang noo ko dahil sa matinding iritasyon. Ramdam ko na ang pag-init ng sulok ng mga mata ko at ang panginginig ng mga kamay ko habang siya ay nananatiling kalmado.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...