Kabanata 27

74 1 0
                                    

Alive

Everyone thought that Henry De Ocampo, Kiel's father, is dead a decade ago. After I read the files and papers that Lex has sent to me about him, I found out how he suddenly vanished that time. Bigla na lamang itong hindi nagpakita pagkatapos ng gyera sa Surigao Del Sur kung saan nanganib din ang buhay noon ni Uncle Saldy ngunit ligtas namang nakabalik sa amin. But his reason for coming back with his resentment towards my family is still unknown.

And now that he's really back, hindi ko pa man ito nakikita ay pakiramdam ko'y tumitindig na ang mga balahibo ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya.

"Should I ask Mom about him? Baka kilala niya and . . ."

I suddenly paused when I saw Kuya Roy shake his head at mataman akong tiningnan.

"Let's not include her about this matter, AJ. Alam mo naman na ang kalagayan ni Mommy," seryoso niyang sagot sa 'kin kaya wala na akong nagawa.

I know. She's fine but her mental health is not. Same as mine. Mula nang mamatay si Daddy ay hindi na siya masyadong nagsasalita. Masyado na itong focus sa businesses niya around the country at palagay ko'y inaabala na lamang niya ang kaniyang sarili upang kalimutan ang lahat. Tingin ko nga'y ang anak ko na lang ang nakakapagpatawa sa kaniya ngayon.

"Sinong puwedeng tanungin natin tungkol dito, Kuya? I'm sure someone knows about Henry De Ocampo and his motives towards us." Problemado kong sambit sa kaniya.

Napansin ko ang pag-ilaw ng cellphone ko dahil sa isang tawag. Nang tingnan ko iyon ay rumehistro ang numero ni Kiel. Alam kong siya iyon kahit hindi ko pa nalalagyan ng pangalan ang numero niya. Pamilyar na kasi sa paningin ko ang mga 'yon.

Bago ko pa sagutin iyon ay nagsalita na si Kuya kaya nabaling na ang buong atensyon ko sa kaniya.

"I'm not sure, but I think Lolo Samuel knows something about this," he said.

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa pangalang sinabi niya. Ang matandang 'yon lang naman ang may alam ng lahat, ngunit hirap na hirap sabihin sa amin. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya. Gusto ko na tuloy isipin na katulad ng kung paano nila itinago ang kasalanan ni Mom kay Tita Liza, gano'n din ang dahilan nito kung bakit hanggang ngayon ay tila napakarami pa rin nitong tinatago sa amin, lalo na sa pamilya ko.

"Should I ask Lolo Samuel instead? Para makatulong sa imbestigasyon, Kuya." I insisted pero katulad kanina ay umiling lang din ito.

Kumunot ang noo nito habang hinihilot nang bahagya iyon. Maya-maya pa, tuluyan na itong tumayo kaya sinundan ko lamang siya ng tingin.

"I will ask him. Sa ngayon ay huwag muna kayong lalabas ni Zick kung hindi naman importante lalo na't narito na siya. Kanino mo nga pala nalaman na bumalik na siya?" Takang tanong nito sa 'kin.

Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Sa halip ay bumaling muli ang tingin ko sa cellphone ko na panay na naman ang ilaw.

"K-kay Lex din." Pagsisinungaling ko.

Tumango lamang ito at nagpaalam na. Tinawagan ko lamang siya upang puntahan ako rito sa condo kanina. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya ang tungkol kay Kiel dahil sigurado akong magagalit na naman ito sa akin. Ayoko nang dagdagan pa ang mga inaalala ko.

Nang makaalis si Kuya ay saka ko lamang nabalikan ang cellphone ko. Ang Kiel na ito- simula nang ihatid niya kami kahapon pabalik dito sa condo ay hindi pa nagpapakita hanggang ngayon. It's not that I am looking for him. Ang anak ko ang panay ang hanap sa kaniya. Simula nang madalas na silang nagkakasama ay hindi na ito sanay kapag wala sa tabi niya ang Daddy niya. Kaya heto ako ngayon, hirap na hirap magpaliwanag.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon