Kabanata 19

70 1 0
                                    

Track

"What happened? Ilang araw na ba? Bakit hindi pa rin kayo nagkakaayos?" Lynne asked me when she sat down.

Inilapit niya sa harapan ko ang kapeng pina-order ko sa kaniya kanina. Nanatili ang tingin ko sa labas kung saan kitang-kita roon ang city lights. Ilang taon na mula nang huli kaming pumunta rito ni Lynne and it's still the same. Gano'n pa rin ang ayos no'n, walang pinagbago. The scent of their coffee can always makes me calm and relax ngunit ngayon ay hindi na ako sigurado. Pakiramdam ko ay ang bigat-bigat pa rin ng kalooban ko dahil sa nangyari.

"Hindi pa kami nagkikita mula nang gabing 'yon. He wasn't replying to me. Hindi rin siya bumibisita sa bahay o kahit sa condo," mapait kong sagot kay Lynne.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kape ko at natulala na naman doon.

"Bakit hindi mo puntahan sa law firm?" Lynne asked which made me shut up.

Ang babaeng ito talaga ay kayang-kaya akong patahimikin nang dahil lang sa mga tanong at sinasabi niyang walang katuturan, ngunit malakas ang impact.

Naisip ko rin iyon-na puwede ko naman siyang puntahan sa law firm o kaya sa bahay niya pero wala akong lakas ng loob. Hindi ko alam kung bakit. Kahit ramdam ko ang kagustuhan kong puntahan siya para kausapin ay mas nangingibabaw sa 'kin ang hindi magpakita sa kaniya dahil sa kahihiyan.

"I want to but . . . I'm not sure. Hindi ko alam, Lynne. Naguguluhan ako," nag-aalangan kong sagot sa kaniya at tamad na bumuntong-hininga.

Nang sabihin ko iyon sa kaniya ay wala na siyang ibang sinabi kundi sorry lang at pagkatapos ay iniwan na ako roon. Dalawang araw na akong walang naririnig sa kaniya. Ilang text at tawag na ang ginagawa ko sa kaniya ngunit kahit isa ay wala akong natatanggap na sagot. Naiintindihan ko naman kung bakit naging gano'n ang reaksyon niya at kailangan kong tanggapin iyon dahil kasalanan ko naman talaga. I just don't know how to take it. Nang makita ko ang mga mata niyang 'yon-na puno ng sakit at galit, ay para akong nilamon ng konsensya ko. Hindi ko na alam.

"Bakit kasi hinayaan mong halikan ka? Tsaka bakit magkasama kayo? May hindi ka ba sinasabi sa'kin, Acel?" Lynne asked me.

Nakita ko na naman ang pagtutok niya sa 'kin ng mala-pusang mga mata na iyon. Napaangat ang dulo ng labi ko dahil roon. Nagsimulang lumikot ang mga mata ko para maghanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Maya-maya pa, hindi pa man ako nakakasagot ay nagtanong na naman muli siya.

"Is this the reason why you suddenly had second thoughts about marrying Calix?" She asked.

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niyang 'yon.

"What are you talking about? Of course not," puno ng iritasyon kong sagot sa kaniya at humigop muli sa kape ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Ramdam ko pa rin ang panay na paninitig sa 'kin ni Lynne kaya tinapunan ko na siyang muli ng tingin.

"What, Lynne?" I asked her as she started laughing sarcastically.

"Really? Sa 'kin ka pa talaga magsisinungaling? Caleb told me that Kiel is pursuing you again. Alam mo bang matagal na silang magkakilala ni Eleanor?" She spoke which made my forehead furrowed even more.

Bigla kong naalala ang pamba-blackmail sa 'kin ng babaeng 'yon gamit ang anak ko. So, totoo ngang magkakilala na talaga sila ng lalaking 'yon? Kailan pa? Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit ngayon ko lang ito nakilala? Malapit na ba sila ni Kiel noon pa?

"She talked to me the other day, she was using my son to blackmail me," wala sa sarili kong sambit sa kaniya.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya nang sabihin ko 'yon. Umayos pa ito ng upo na para bang handang-handa na pakinggan ang maganda kong balita. Tsismosa talaga ang dating ng isang 'to.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon